SCTEX crash survivor na si Jerry Tuazon, nagsalita ukol sa driver ng bus: “Wala akong galit”

SCTEX crash survivor na si Jerry Tuazon, nagsalita ukol sa driver ng bus: “Wala akong galit”

-Pinatawad na ni Jerry Tuazon ang bus driver sa kabila ng pagkamatay ng kanyang mag-ina sa aksidente

-Ipinahayag niyang wala siyang galit sa driver at tanggap na niya ang nangyari

-Hindi rin siya pabor sa pagpapasara ng bus company na Solid North

-Nanawagan siya ng reporma sa sistema ng mga transport operators para sa kaligtasan ng lahat

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Sa kabila ng matinding trahedyang sinapit niya sa SCTEX crash noong Mayo 1, 2025, hindi na nagtanim pa ng hinanakit si Jerry Tuazon, ang kaisa-isang nakaligtas sa van na nasalpok ng isang bus. Sa panayam ng ABS-CBN News nitong Mayo 7, buong loob niyang ibinahagi ang kanyang damdamin patungkol sa driver ng bus na ikinasawi ng kanyang asawa, anak, at walo pang sakay ng van. “Wala po akong sama ng galit o kaunting ano sa kaniya na sumama ang loob ko, hindi po,” ani Tuazon. Sa halip, pinili niyang unawain ang posibleng dahilan ng trahedya.

Philippine Red Cross on Facebook
Philippine Red Cross on Facebook
Source: Facebook

“Kung nakatulog man siya, o anuman po, ‘yon po ay bunga ng katawan natin. Syempre kung gising siya, malamang ay hindi niya kami sasagasaan,” dagdag pa niya, na mariing nagpahayag na pinatawad na niya ang driver. Bukod pa rito, binigyang-diin niya ang kanyang saloobin tungkol sa Solid North, ang kumpanya ng bus. Ani Tuazon, hindi dapat isara ang kumpanya dahil maraming pamilya ang umaasa sa mga driver nito. “Ang akin lang po, kung mayroong pagkukulang po yung kumpanya, kailangan lang pong kumpletuhin,” aniya.

Mula sa punto ng isang ama at asawa na nawalan ng buong pamilya, nanawagan si Tuazon ng mas mahigpit na mga patakaran para sa kapakanan ng lahat—mga seminar, regular drug tests, at tamang oras ng trabaho para sa mga driver. “Tao sila, hindi sila robot. Para safe lahat, safe sakay mo,” paliwanag niya. Sa kabila ng sakit na kanyang nararanasan, hindi siya naging mapanghusga, bagkus ay nagsilbing tinig ng pang-unawa at pagbabago.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon sa datos mula sa Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG) at MMDA, libo-libong aksidente sa kalsada ang naitatala taon-taon sa Pilipinas. Kadalasan, ito ay bunsod ng human error tulad ng pagod na mga driver, overspeeding, at kakulangan sa safety protocols ng transport companies. Sa mga kasong tulad ng SCTEX tragedy, lumalabas na kailangang paigtingin pa ang mga panuntunan sa transport operations gaya ng driver fatigue monitoring at masusing maintenance ng mga sasakyan upang maiwasan ang ganitong uri ng trahedya.

Kinumpirma ng Land Transportation Office (LTO) na habambuhay nang hindi bibigyan ng lisensiya ang driver ng Solid North na nasangkot sa SCTEX tragedy. Sa ulat ng Kami.com.ph, nagnegatibo man sa alcohol at drug testing ang driver, hindi pa rin ito nakaligtas sa matinding parusa dahil sa bigat ng trahedyang kanyang kinasangkutan. Sampung buhay ang nawala, kaya't agad siyang sinuspinde habang nakabinbin ang mga kasong kriminal laban sa kanya.

Isang masakit at emosyonal na pagsasalarawan ang ibinahagi ni Jerry Tuazon sa naunang ulat ng Kami.com.ph. Aniya, tila nawalan siya ng laman nang malaman niyang siya lang ang nakaligtas sa van. Ang kanyang asawa, anak, at iba pang pasahero ay pawang hindi na nakaligtas sa banggaan. Sa kabila nito, patuloy niyang pinipilit tanggapin ang lahat para sa kapakanan ng kanyang sarili at ng mga pamilyang naiwan ng mga biktima.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate