Lalaki, nasakmal ng buwaya matapos pasukin ang hawla sa Zamboanga Sibugay

Lalaki, nasakmal ng buwaya matapos pasukin ang hawla sa Zamboanga Sibugay

-Isang lalaki ang nasakmal ng buwaya matapos umano itong pasukin sa loob ng hawla

-Inakala raw ng lalaki na laruan lamang ang buwaya kaya siya lumapit

-Sa tulong ng pulisya, rescue team, at may-ari ng buwaya ay naisalba ang biktima

-Isinugod sa ospital ang lalaki na nagtamo ng sugat sa binti at balikat

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Isang nakakagulat na insidente ang naganap kaninang umaga sa Kabug Mangrove Park and Wetlands sa bayan ng Siay, Zamboanga Sibugay matapos sakmalin ng buwaya ang isang 29-taong gulang na lalaki na pumasok mismo sa hawla ng naturang hayop.

Lalaki, nasakmal ng buwaya matapos pasukin ang hawla sa Zamboanga Sibugay
Lalaki, nasakmal ng buwaya matapos pasukin ang hawla sa Zamboanga Sibugay (📷Pexels)
Source: Facebook

Ayon sa ulat, namimilipit sa sakit ang biktima habang makikitang tinutulak-tulak at binabalibag pa ng buwaya sa tubig. Hindi napigilan ng mga namamasyal sa lugar ang mapapasigaw sa takot habang nasasaksihan ang pangyayari.

Base sa pahayag ni PSSgt. Joel Sajolga ng Siay Municipal Police Station sa ABS-CBN News, "Nagpasyal siya sa area then nakita niya yung crocodile, in-expect niya na laruan lang. Pumunta siya sa bakod ng crocodile, pumasok siya, tapos nakagat siya ng crocodile."

Read also

Tahimik Pero Palaban: Kyline Alcantara, Ibinahagi ang Laban sa Loob ng Showbiz

Agad na rumisponde ang mga pulisya, municipal disaster rescue team, at ang may-ari ng buwaya upang iligtas ang lalaki mula sa panganib. Sa kabila ng nangyari, suwerteng naisalba ang biktima at agad na isinugod sa ospital para sa medikal na atensyon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

“Okay naman siya at naisugod sa ospital kanina, pero may sugat siya sa kanyang binti at balikat,” kuwento ni Jonalyn Vidad, isa sa mga nakasaksi sa nakakatakot na tagpo.

Lumabas sa imbestigasyon ng mga awtoridad na bagaman may mga bantay ang parke, biglaan umano ang naging aksyon ng lalaki kaya hindi na ito agad napigilan. Napag-alaman din ng pulisya na may deperensya umano sa pag-iisip ang biktima, bagay na maaaring nakaapekto sa kanyang pagpasya na lumapit sa isang mabangis na hayop.

Sa kabila ng insidente, pinaalalahanan ng mga otoridad ang publiko na sundin ang mga safety protocols lalo na sa mga lugar na may mga delikadong hayop upang maiwasan ang ganitong klase ng sakuna.

Read also

Netizens, napansing hindi na naka-follow sa isa't-isa sina Marco Gumabao at Cristine Reyes

Ang mga insidente ng pagkakagat ng buwaya ay hindi na bago sa Pilipinas, lalo na sa mga probinsyang may mga malapit sa ilog, lawa, at mga protected wetland areas. Kilala ang buwaya bilang isa sa mga pinakadelikado at mabangis na hayop sa tubig at lupa, kaya naman madalas na may mga mahigpit na babala at seguridad kapag sila ay pinapakita sa publiko. Ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman at pag-iingat ay mahalaga upang maiwasan ang malalaking trahedya na dulot ng mga ganitong klase ng insidente.

Isang 8-anyos na batang lalaki sa Indonesia ang nasawi matapos sakmalin ng buwaya. Sinusubukan lamang umano ng bata na kunin ang bola niya na nahulog sa kanal nang biglang umatake ang buwaya. Agad siyang hinila ng buwaya sa tubig at hindi na naisalba pa.

Lalaki, sugatan matapos umanong sunggaban at kagatin ng buwaya. Sugatan ang isang lalaki sa Tawi-Tawi matapos siyang sunggaban at kagatin ng buwaya habang nasa labas ng kanilang bahay. Ayon sa mga ulat, nagtamo siya ng malalalim na sugat sa likod dahil sa pag-atake. Agad namang naisugod sa ospital ang biktima at nilapatan ng lunas.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate