Teacher na nanindigan laban sa pagpapahubad ng toga sa mga estudyante, nagpaunlak ng panayam
- Nagpaunlak ng panayam si Teacher Lu Nietes matapos ang insidente sa CRANS graduation sa Antique
- Nanindigan siya para sa kapakanan ng mga mag-aaral sa kabila ng posibleng panganib sa kanyang karera
- Hinimok niya ang mga kapwa teachers na pahalagahan ang mga estudyante at palakasin ang suporta sa mental health
- Nagbigay siya ng mensahe sa mga mag-aaral ukol sa respeto at disiplina
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Nagbigay ng panayam si Teacher Lu Nietes, ang teacher mula sa Colonel Ruperto Abellon National School (CRANS) sa Antique, matapos ang kontrobersyal na insidente sa graduation ceremony ng kanilang paaralan.

Source: Facebook
Sa panayam kay Carl Balita, isang kilalang edukador at tagapagtaguyod ng karapatan ng mga teacher, ibinahagi ni Nietes ang kanyang paninindigan sa kabila ng isinasagawang imbestigasyon ng Department of Education (DepEd).
Ayon kay Nietes, hindi niya inisip na magiging bayani siya sa mga mata ng publiko. "At that very moment I wasn't thinking about it na I was a hero. At that very moment, I was only thinking na moment to ng mga learners at parents so dapat i-celebrate nila yun," aniya.
Sa kabila ng posibilidad na mapahamak ang kanyang karera, pinili ni Nietes na manindigan para sa mga estudyante. Aniya kapag alam ko na para sa ikakabuti ng mga mag-aaral, isusugal niya maging ang kanyang career bilang isang teacher.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Nagbigay rin siya ng mensahe sa kanyang mga kapwa educators na laging pahalagahan ang mga mag-aaral dahil sila ang dahilan kung bakit kinakailangan ang mga teachers.
Para naman sa mga estudyante, hinimok niya ang mga ito na maging magalang sa mga nasa awtoridad at patuloy na paunlarin ang disiplina sa sarili. "Sa mga learners natin, be respectful pa rin sa mga people in authority. Very important yan. You have to continuously develop self-discipline. Continue to make mistakes and learn from your mistakes," paalala niya.
Si Teacher Lu Nietes ay isang senior high school teacher na may higit isang dekadang karanasan sa pagtuturo sa DepEd. Hinangaan siya sa kanyang pinakitang dedikasyon sa mga estudyante at sa kanyang paninindigan sa mga isyung kinakaharap nila kamakailan. Sa kabila ng mga hamon, patuloy siyang nagsisilbing inspirasyon sa kanyang mga mag-aaral at kapwa teachers.

Read also
Vilma Santos, nagpahayag ng malungkot na mensahe sa pagpanaw ni Nora Aunor: "Rest in peace, Mare"
Samantala, isang ama sa Koronadal City ang nag-viral matapos niyang dalhin ang standee ng kanyang anak na si Mark Sanchez sa graduation ceremony. Si Mark, isang BA English student sa Marvelous College of Technology Inc., ay pumanaw dahil sa cardiac arrest bago ang araw ng kanyang pagtatapos. Sa kabila ng pagkawala, tinanggap ng ama ang diploma ng anak habang hawak ang standee nito, na umantig sa puso ng maraming netizens.
Nag-viral ang karanasan ni John Marcelino Rosaldo ng Lorma Colleges sa La Union matapos siyang hindi payagang umakyat ng entablado upang tanggapin ang kanyang diploma. Ayon sa kanyang kapatid na si Celene Rosaldo, kahit na nabayaran ang graduation fee isang araw bago ang seremonya, hindi ito agad naaprubahan, dahilan upang hindi siya makasama sa pag-akyat ng entablado. Ang insidente ay nagdulot ng diskusyon online tungkol sa mga patakaran sa mga graduation ceremonies.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh