Bride sa ‘Fake Wedding’ at inakusahang nanggayuma, nagsalita na: Pinili umano siya ng Groom

Bride sa ‘Fake Wedding’ at inakusahang nanggayuma, nagsalita na: Pinili umano siya ng Groom

- Nagbigay ng pahayag ang bride na si Riri at ipinaliwanag niya ang dahilan kung bakit itinuloy nila ang pagpaplano ng kasal kahit may ibang karelasyon ang groom

- Isiniwalat ng mga wedding organizers na umabot sa ₱270,000 ang nagastos para sa kasal ngunit wala silang natanggap na bayad mula sa bride

- Lumabas ang usapin tungkol sa paggamit umano ng “gayuma” matapos sabihin ng groom na tila nawalan siya ng kontrol sa kanyang desisyon na magpakasal

- Humingi ng paumanhin si Riri sa mga suppliers at coordinators dahil sa abalang dulot ng kinanselang kasal at itinanggi niyang gumamit siya ng anomang gayuma

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Matapos ang kontrobersiyal na kinanselang kasal na umani ng atensyon online, nagbigay ng pahayag ang bride na si "Riri" sa panayam ng GMA Regional TV upang ibahagi ang kanyang panig sa tinaguriang “fake wedding” sa lungsod.

Bride sa ‘Fake Wedding’ at inakusahang nanggayuma, nagsalita na: Pinili umano siya ng Groom
Bride sa ‘Fake Wedding’ at inakusahang nanggayuma, nagsalita na: Pinili umano siya ng Groom (📷Deesha Chandra/Pexels)
Source: Facebook

Ayon kay Riri, nagsimula ang relasyon nila ng groom matapos ang isang one-night stand, kung saan kalaunan ay nalaman niyang siya ay buntis. Sinabi niyang pinapili niya ang lalaki kung pananagutan siya o hindi, at inamin niyang pinili umano siya nito kahit mayroon itong ibang karelasyon.

Read also

Vice Ganda, pumalag sa fake quote card: "I never stated this. Pls report"

Ngunit sa araw mismo ng kasal, isang di-inaasahang pangyayari ang naganap. Sa viral na video ng isang wedding coordinator, makikitang walang dumating na panauhin, judge, at maging ang mismong couple sa itinakdang oras ng seremonya. Kalaunan, lumitaw si Riri at ang groom sa venue, ngunit kapansin-pansin ang tensyon sa pagitan nilang dalawa.

Sa parehong footage, dumating ang mga pulis upang imbestigahan ang insidente. Ayon sa mga wedding organizers, umabot sa ₱500,000 ang nagastos para sa kasal, ngunit iginiit nilang wala umanong kahit isang sentimong naibigay na bayad mula sa bride. Bagamat nangako raw si Riri na babayaran ito matapos maresolba ang ilang usapin, natuklasan ng mga organizer na hindi pala ito totoo.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Samantala, lumutang din ang usapin tungkol sa diumano’y paggamit ng “gayuma” ng bride sa groom. Ayon sa mga kwento, tila wala sa sarili ang groom bago ang kasal at nawala lang umano ang epekto ng gayuma matapos siyang buhusan ng asin ng asawa ng kanyang kaibigan.

Read also

Jak Roberto, ibinida ang pinapagawang dream house na 95% nang tapos

Sa panayam, sinabi ni Riri na nagulat siya nang may magtanong sa kanya online kung saan siya bumili ng gayuma. Itinanggi niyang gumamit siya ng anomang pangkukulam sa kanyang groom.

Nagbigay rin siya ng mensahe sa mga suppliers at coordinators na naapektuhan ng kinanselang kasal. Humingi siya ng paumanhin sa lahat ng naabala at sinabi niyang hindi rin niya inasahan na ganito ang mangyayari.

Parehong dinala sa kustodiya ng mga awtoridad ang bride at groom upang pagpaliwanagin sa nangyaring insidente.

Sa panahon ng makabagong teknolohiya, mas mabilis na ngayon ang pagbabalita at pagresolba ng mga krimen dahil sa social media at iba pang digital tools. Ang mga CCTV, livestreaming, at mobile recordings ay nagbibigay ng agarang ebidensya na madaling maibahagi sa publiko at sa awtoridad. Dahil dito, mas mabilis natutukoy ang mga suspek at napapabilis ang imbestigasyon ng mga pulis. Sa tulong ng social media, ang mga balita tungkol sa krimen ay agad na kumakalat, na nagiging daan upang mas maraming tao ang makatulong sa paghahanap ng hustisya.

Read also

Rita Avila, rumesbak sa basher na tinawag siyang "matanda"

Samantala, naging matagumpay ang pangalawang kasal ng viral Amlan couple matapos ang kontrobersyal na unang pag-iisang dibdib. Natagumpay ang pagdiriwang ng kanilang Take 2 kasal sa tulong ng mga sponsors at suporta ng komunidad. Sa video ni Janine Suelto-Sagario na nag-viral sa social media naantig ang mga netizens at maging ang mga wedding suppliers. Kaya naman, marami ang naghayag ng kanilang kagustuhang mabigyan ng mas maayos at mas magandang kasal ang mag-asawa.

Si Janine Seit Sagario ay nag-post ng isang mensahe ng pasasalamat matapos ang matagumpay na pagdiriwang ng kanilang pangalawang kasal ng asawang si Jove Deo. Sa kanyang post, pinasalamatan niya ang Negros Oriental Wedding Industry sa kanilang bayanihan at suporta upang maisakatuparan ang kanilang second take na seremonya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate