33-anyos na lalaki, nahuli sa CCTV na nagsaboy ng gasolina na nagkakahalaga ng halos P3,000

33-anyos na lalaki, nahuli sa CCTV na nagsaboy ng gasolina na nagkakahalaga ng halos P3,000

- Isang lalaki ang nahuli sa CCTV habang hinila ang fuel hose ng isang gasolinahan at nagsaboy ng gasolina na nagkakahalaga ng halos P3,000 sa Minglanilla, Cebu

- Dumating ang suspek na si Mamerto sa gasolinahan at naghamon ng suntukan bago isinagawa ang insidente

- Ayon sa pulisya, nagtangkang lumaban ang suspek sa pag-aresto ngunit agad siyang na-posas ng mga awtoridad

- Sinabi ni Mamerto na hindi niya alam kung bakit niya ginawa ang insidente at itinangging siya ay lasing o nasa impluwensiya ng droga

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Isang 33-anyos na lalaki ang nahuli sa CCTV matapos bunutin ang fuel hose ng isang gasolinahan at walang habas na nagsaboy ng gasolina na nagkakahalaga ng halos P3,000 sa Barangay Poblacion Ward 2, madaling araw ng Marso 6, 2025.

33-anyos na lalaki, nahuli sa CCTV na nagsaboy ng gasolina na nagkakahalaga ng halos P3,000
33-anyos na lalaki, nahuli sa CCTV na nagsaboy ng gasolina na nagkakahalaga ng halos P3,000 (Photo from Justin Loi's video)
Source: Facebook

Kinilala ang suspek sa alyas na "Mamerto." Ayon sa ulat ng Minglanilla Police, dumating ito sa gasolinahan at tila naghahanap ng gulo nang hamunin ang mga naroroon sa suntukan. Matapos nito, hinila niya ang hose ng gasolina at sinimulang isaboy ito sa paligid.

Read also

Sen. Bong Go, ibinahagi ang video ng pananghalian ni FPRRD sa loob ng eroplano

Ayon sa mga awtoridad, umabot saP2,556 ang halaga ng nasayang na gasolina dahil sa ginawang aksyon ng suspek. Sa pagsugod ng mga pulis, nagmatigas pa umano si Mamerto at nagtangkang lumaban ngunit agad siyang na-posas.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sinubukan ng GMA Regional TV Balitang Bisdak na hingan ng pahayag ang suspek habang nasa custodial cell ng Minglanilla Police Station, ngunit tumanggi itong magpa-interview. Gayunpaman, sinabi niyang hindi niya alam kung bakit niya ginawa ang insidente at iginiit na hindi siya lasing o nasa impluwensiya ng ipinagbabawal na gamot.

Sa ngayon, nahaarap si Mamerto sa kasong alarm and scandal, resistance and disobedience to a person in authority, at malicious mischief. Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.

Sa panahon ng makabagong teknolohiya, mas mabilis na ngayon ang pagbabalita at pagresolba ng mga krimen dahil sa social media at iba pang digital tools. Ang mga CCTV, livestreaming, at mobile recordings ay nagbibigay ng agarang ebidensya na madaling maibahagi sa publiko at sa awtoridad. Dahil dito, mas mabilis natutukoy ang mga suspek at napapabilis ang imbestigasyon ng mga pulis. Sa tulong ng social media, ang mga balita tungkol sa krimen ay agad na kumakalat, na nagiging daan upang mas maraming tao ang makatulong sa paghahanap ng hustisya.

Read also

Jak Roberto, ibinida ang pinapagawang dream house na 95% nang tapos

Sa ibang ulat, isang guwardiya ang nakipagbarilan sa limang magnanakaw na nanloob sa isang tindahan ng prutas sa Barangay San Isidro, Makati City, na nagresulta sa pagkamatay ng lider ng mga suspek. Ayon sa ulat, naganap ang insidente madaling araw ng Miyerkules, kung saan mapapanood sa CCTV ang mga suspek na tila may kontrol sa lugar bago maganap ang barilan.

Viral ang kwento ni Augusto Virgo kung saan bago siya nakilala sa kanyang lako, dati siyang snatcher at holdaper. 2014 pa nang siya ay magsimulang magtinda ng hotdog sandwich subalit kamakailan lamang siya nag-viral. Marami umano ang nai-inspire kapag nalalaman ang kwento ng kanyang buhay .Isang lalaki ang natagpuang patay sa tabing-ilog matapos saksakin at gilitan ng isang 40-anyos na lalaki sa Barangay Catmondaan, Catmon, Cebu. Ayon sa ulat ng Brigada News FM Cebu noong Martes, Marso 4, 2025, matagal na umanong may alitan ang dalawa, na nauwi sa madugong insidente.

Read also

Vico Sotto, pumalag sa aniy'ay troll account na nagpakalat ng maling impormasyon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate