Neneng B, may paglilinaw sa catchphrase na “Ma, ano ulam?” at “Huwag puro cellphone”

Neneng B, may paglilinaw sa catchphrase na “Ma, ano ulam?” at “Huwag puro cellphone”

- Ibinahagi ng viral food seller na si Neneng B ang kanyang saloobin tungkol sa mga bumabatikos sa kanya dahil sa kanyang catchphrase na “Ma, ano ulam?” at “Huwag puro cellphone”

- Ipinaliwanag niya sa panayam ni Toni Gonzaga sa Toni Talks na hindi niya sinasabing dapat agad magtrabaho ang mga kabataan kundi matutong tumulong sa pamilya

- Sinabi rin niya na may ilang kabataan na kahit hirap na sa buhay ang pamilya ay hindi pa rin tumutulong sa gawaing bahay

- Nanindigan siya na hindi niya layuning hilahin pababa ang iba kundi hikayatin ang mga kabataan na maging responsable sa loob ng tahanan

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Patuloy na pinag-uusapan online ang viral food seller na si Neneng B matapos makatanggap ng iba’t ibang reaksyon sa kanyang mga catchphrase na “Ma, ano ulam?” at “Huwag puro cellphone.”

Neneng B, may paglilinaw sa catchphrase na “Ma, ano ulam?” at “Huwag puro cellphone”
Neneng B, may paglilinaw sa catchphrase na “Ma, ano ulam?” at “Huwag puro cellphone” (📷Toni Gonzaga Studio/YouTube)
Source: Youtube

Sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga sa Toni Talks, nilinaw ni Neneng B na hindi niya intensyon na pilitin ang mga kabataan na agad magtrabaho, kundi hikayatin silang tumulong sa loob ng tahanan. Aniya, maraming netizens ang nag-akala na pinababayaan siya ng kanyang ina, ngunit sa katotohanan, nais lamang niyang iparating ang kahalagahan ng pagiging responsable.

Read also

Coco Martin, pinahanap umano si Katherine Luna upang tulungan; planong isama sa ‘Batang Quiapo’

"Ang iniisip po kasi nila, pinababayaan po ako ng nanay ko. Isa rin naman po ako sa mga kabataan na gustong umasenso sa buhay, isa rin po ako sa mga nangangarap. Hindi naman kita hihilahin pababa, e!" pahayag niya.

Dagdag pa niya, hindi niya nilalahat ang mga kabataan, ngunit may ilan daw na kahit hirap na sa buhay ang pamilya, hindi pa rin tumutulong sa mga gawaing bahay.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Hindi ko naman sinasabi na lahat tayong mga kabataan, magtrabaho agad. Ang inaano ko lang po, ‘yung tumulong lang po [sa magulang], kasi may iba pong mga kabataan na sobrang hirap na nga po ng buhay, hindi pa tumutulong sa gawaing bahay," ani Neneng B.

Sa kabila ng mga batikos, patuloy na pinapalakas ni Neneng B ang kanyang negosyo at inspirasyon sa maraming Pilipino na pagsumikapan ang kanilang pangarap.

Sa panahon ng makabagong teknolohiya, mas mabilis na ngayon ang pagbabalita at pagresolba ng mga krimen dahil sa social media at iba pang digital tools. Ang mga CCTV, livestreaming, at mobile recordings ay nagbibigay ng agarang ebidensya na madaling maibahagi sa publiko at sa awtoridad. Dahil dito, mas mabilis natutukoy ang mga suspek at napapabilis ang imbestigasyon ng mga pulis. Sa tulong ng social media, ang mga balita tungkol sa krimen ay agad na kumakalat, na nagiging daan upang mas maraming tao ang makatulong sa paghahanap ng hustisya.

Read also

Priscilla Meirelles, nilinaw ang estado ng relasyon nila ni John Estrada

Sa ibang ulat, isang guwardiya ang nakipagbarilan sa limang magnanakaw na nanloob sa isang tindahan ng prutas sa Barangay San Isidro, Makati City, na nagresulta sa pagkamatay ng lider ng mga suspek. Ayon sa ulat, naganap ang insidente madaling araw ng Miyerkules, kung saan mapapanood sa CCTV ang mga suspek na tila may kontrol sa lugar bago maganap ang barilan.

Viral ang kwento ni Augusto Virgo kung saan bago siya nakilala sa kanyang lako, dati siyang snatcher at holdaper. 2014 pa nang siya ay magsimulang magtinda ng hotdog sandwich subalit kamakailan lamang siya nag-viral. Marami umano ang nai-inspire kapag nalalaman ang kwento ng kanyang buhay .

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate