Jam Ignacio, humarap na sa NBI matapos lumiban sa unang subpoena
- Humarap si Jam Ignacio sa NBI nitong Pebrero 21 matapos hindi siputin ang unang subpoena noong Pebrero 20
- Sinabi ni Jellie Aw sa panayam na hindi na matutuloy ang kanilang kasal at ipagpapatuloy niya ang pagsasampa ng kaso laban kay Ignacio
- Inamin ni Aw na pinatawad na niya ang dating fiancé ngunit nanindigan siyang kailangan niyang ipaglaban ang kanyang karapatan
- Ayon sa abogado ni Ignacio, haharapin nito ang reklamo sa piskalya habang patuloy na umaasa sa pagkakaayos nila ni Aw
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Humarap sa National Bureau of Investigation (NBI) nitong Biyernes, Pebrero 21, si Jam Ignacio, fiancé ng radio DJ at social media personality na si Jellie Aw, matapos hindi siputin ang unang subpoena noong Huwebes. Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, patuloy na humihingi ng tawad si Ignacio at umaasa pa rin na maaayos nila ang gusot ng kanyang nobya.

Source: Instagram
Gayunman, sa isang panayam sa ABS-CBN News noong Biyernes, iginiit ni Aw na hindi na matutuloy ang kanilang kasal at ipagpapatuloy niya ang pagsasampa ng kaso laban kay Ignacio. “Wala na pong kasal na magaganap o matutuloy. Hindi na po matutuloy ‘yung mga napag-usapan namin dahil po sa nangyari,” aniya, na tumutukoy sa umano’y pananakit na kanyang naranasan.

Read also
Jellie Aw, sumagot sa paalala ng kanyang kapatid tungkol sa pakikipagbalikan kay Jam Ignacio
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Bagamat pinatawad na umano niya ang dating fiancé, nanindigan si Aw na kailangang panagutan ni Ignacio ang ginawa. “Nung una pa lang naman po, napatawad ko na si Jam, pero itutuloy ko pa rin po ‘yung kaso. Hindi po pwedeng napuno lang siya eh. Paano 'pag binigyan ko pa po siya ng second chance, paano 'pag napuno po siya ulit sa akin? Gagawin niya ulit ‘yun, mas grabe pa,” paliwanag niya.
Dagdag pa ni Aw, isa sa mga dahilan ng kanyang desisyon ay ang labis na pagdurusa ng kanyang pamilya, lalo na ang kanyang ina, na lubhang naapektuhan sa nangyari. “Respeto na lang din po sa magulang ko. Kasi sobrang ano po eh, na-trauma din po ‘yung mama ko, parang gabi-gabi po siya umiiyak. Hindi ko kaya, hindi ko kaya na ganun ‘yung nanay ko,” aniya.
Sa kabila ng lahat, inamin ng DJ na may pagmamahal pa rin siya kay Ignacio ngunit kailangan niyang ipaglaban ang kanyang karapatan. “‘Yung pagmamahal ko, siyempre nandito pa rin, mahal pa rin kita, pero siyempre hindi naman pwedeng love lang ‘yung papairalin natin. Magharap na lang po kami,” aniya.
Samantala, matatandaang noong Pebrero 12, nag-post si Aw sa social media ng mga larawan ng kanyang namamagang mukha matapos umano siyang bugbugin ni Ignacio. Ayon sa kanyang kapatid na si Jo, nangyari ang insidente sa loob ng isang nakasarang sasakyan, at nakahingi lamang ng tulong si Aw nang makarating sila sa isang toll gate. Matapos nito, agad siyang sumailalim sa medical checkup at naghain ng reklamo sa pulisya.
Noong Pebrero 20, humingi ng paumanhin si Ignacio kay Aw at sa kanyang pamilya sa pamamagitan ng isang panayam sa GMA News, ngunit sinabi niyang nais niyang pag-usapan ito nang pribado at ituloy pa rin ang kasal. Gayunman, hindi siya sumipot sa itinakdang pagdinig ng NBI kinabukasan, Pebrero 21.
Ayon sa kanyang legal counsel na si Atty. Oscar Karaan, haharapin ni Ignacio ang kaso sa piskalya. Dagdag pa ni Karaan, sinisikap pa rin ni Ignacio na ayusin ang gusot sa pagitan nila ni Aw.
Ang dating magkasintahan ay na-engage noong Nobyembre ng nakaraang taon matapos ang apat na buwang relasyon. Sa ngayon, patuloy na sinusubaybayan ng publiko ang magiging takbo ng kaso laban kay Ignacio.
Si DJ Jellie Aw ay isang Pilipinang disc jockey, mananayaw, mang-aawit, at vlogger na kilala sa kanyang masiglang presensya sa industriya ng entertainment. Nakamit niya ang malaking kasikatan sa mga social media platform, partikular sa TikTok, kung saan ibinabahagi niya ang kanyang mga performance at lifestyle content. Sa TikTok, mayroon siyang mahigit 238,900 followers at 704,100 likes.
May matapang na pahayag si Ogie Diaz matapos akusahan ng pananakit sa kanyang fiancée na si Jellie Aw si Jam Ignacio.
Naglabas ng pahayag si Jellie Aw matapos ang insidente ng umano’y pananakit sa kanya ng fiancé na si Jam Ignacio at sinabi niyang kailangan niya munang magpahinga. Ibinahagi niya sa social media ang mga larawan ng kanyang duguan at may pasang mukha at direkta niyang itinuro si Jam bilang responsable sa pangyayari.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh