Senyora kay Jellie Aw: "Nguso mo naman yan e. Kami nagpapaalala lang"

Senyora kay Jellie Aw: "Nguso mo naman yan e. Kami nagpapaalala lang"

Naglabas ng matapang na reaksyon si Senyora matapos humingi ng tawad si Jam Ignacio sa kanyang fiancée na si Jellie Aw

Sinabi ni Senyora na hindi na comeback kundi rematch ang magiging tawag kung sakaling balikan ni Jellie si Jam

Ipinahayag niya ang kanyang inis sa sitwasyon at pabirong sinabing napacomment siya dahil sa highblood

Nagbigay siya ng babala kay Jellie Aw na posibleng maleta ang maging dulo ng kanilang relasyon

Nagbigay ng matapang na pahayag ang social media personality na si Senyora matapos lumabas ang public apology ni Jam Ignacio para sa kanyang fiancée na si Jellie Aw.

Senyora kay Jellie Aw: "Nguso mo naman yan e. Kami nagpapaalala lang"
Senyora kay Jellie Aw: "Nguso mo naman yan e. Kami nagpapaalala lang" (📷@therealjellieaw/Instagram)
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kanyang sunod-sunod na mga komento, diretsahang sinabi ni Senyora na maaayos pa umano ang sitwasyon ng dalawa, ngunit hindi niya napigilang punahin ang naging kilos ni Jam Ignacio.

"Maaayos pa yan. Ginawa mo lang namang punching bag e," ani ni Senyora, na tila nagpapahiwatig ng kanyang opinyon sa pinagdaanang relasyon ng dalawa.

Read also

Kapatid ni Jellie Aw, naglabas ng saloobin matapos ang pahayag ni Jam Ignacio

Nagbigay rin siya ng babala kay Jellie Aw sakaling balikan nito si Jam Ignacio. Aniya, "Pag yan binalikan mo DJ Jellie Aw hindi na comeback tawag don, rematch na."

Hindi rin napigilan ni Senyora ang kanyang inis sa sitwasyon, kaya't pabirong sinabi niya, "Dapat nakikibasa at nakikinood lang ako e!! Nakaka-highblood kasi!! Napacomment tuloy si ganda! Pahug nga D."

Bukod dito, may patama rin siya sa mga indibidwal na pinipili pa ring manatili sa isang relasyon kahit may pisikal na pananakit. "Good morning sa mga martyr na tinitiis mabugb🥊g ng jowa kasi mahal n’ya," saad niya.

Sa huli, nag-iwan si Senyora ng isang matinding paalala kay Jellie Aw. "Bahala ka Jellie Aw kung babalikan mo yan, nguso mo naman yan e. Kami nagpapaalala lang." Dagdag pa niya, "Maleta talaga ending mo jan." na tila nagpapahiwatig ng posibleng paghantong ng relasyon sa muling paghihiwalay.

Samantala, wala pang tugon si Jellie Aw sa naging pahayag ni Senyora.

Read also

Jam Ignacio, binahagi ang aniya'y pinagmulan ng kanilang pagtatalo ni Jellie Aw

Matatandaang humarap si Ignacio sa GMA News upang humingi ng tawad kay Jellie at sa mga taong naapektuhan ng isyu.

Kapatid ni Jellie Aw, naglabas ng saloobin matapos ang pahayag ni Jam Ignacio

Kapatid ni Jellie Aw, naglabas ng saloobin matapos ang pahayag ni Jam Ignacio (@therealjellieaw/Instagram)

"Gusto kong humingi ng tawad kay Jellie at sa lahat ng mga nagmamahal sa kanya. Inaamin ko ang aking pagkakamali at sobrang sorry ako sa nangyari. Hindi na ito mauulit," ani Ignacio sa kanyang pahayag.

Dagdag pa niya, nais niyang ayusin ang kanilang relasyon sa pribadong paraan at umaasa siyang mabibigyan ng pagkakataon na itama ang kanyang pagkakamali. "Pangarap ko pa rin ang magkaroon ng masayang pamilya kasama si Jellie," dagdag niya.

Si DJ Jellie Aw ay isang Pilipinang disc jockey, mananayaw, mang-aawit, at vlogger na kilala sa kanyang masiglang presensya sa industriya ng entertainment. Nakamit niya ang malaking kasikatan sa mga social media platform, partikular sa TikTok, kung saan ibinabahagi niya ang kanyang mga performance at lifestyle content. Sa TikTok, mayroon siyang mahigit 238,900 followers at 704,100 likes.

Read also

Jam Ignacio, humingi ng tawad kay Jellie Aw: "Sobrang sorry"

May matapang na pahayag si Ogie Diaz matapos akusahan ng pananakit sa kanyang fiancée na si Jellie Aw si Jam Ignacio.

Naglabas ng pahayag si Jellie Aw matapos ang insidente ng umano’y pananakit sa kanya ng fiancé na si Jam Ignacio at sinabi niyang kailangan niya munang magpahinga. Ibinahagi niya sa social media ang mga larawan ng kanyang duguan at may pasang mukha at direkta niyang itinuro si Jam bilang responsable sa pangyayari.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate