Sen. Raffy Tulfo, napatayo matapos magwala ng Chinese national na nirereklamo ng asawa

Sen. Raffy Tulfo, napatayo matapos magwala ng Chinese national na nirereklamo ng asawa

  • Ipinareklamo ni Pamela Antonette Tadoy sa Raffy Tulfo in Action ang pananakit at patuloy na pangha-harass sa kanya ng asawang Chinese national na si Lu Li noong Setyembre 20
  • Nakuhanan sa isang video ang aktwal na pananakit ni Lu at ang pagsisira nito ng mga appliances sa kanilang bahay, na labis na ikinagalit ni Sen. Raffy Tulfo
  • Itinanggi ni Lu ang pananakit sa kabila ng ebidensya at sinabing nais lamang niyang makita ang kanilang anak, ngunit naging bayolente ito sa loob mismo ng RTIA studio kaya kinailangang ilabas ng security
  • Sinabi ng Bureau of Immigration na posibleng makansela ang visa ni Lu at ma-deport siya bilang undesirable alien, kaya sasamahan ng RTIA si Pamela sa pagsasampa ng reklamo upang mapabilis ang deportation case

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Napasugod sa programang Raffy Tulfo in Action (RTIA) si Pamela Antonette Tadoy upang ireklamo ang pananakit sa kanya ng kanyang asawang Chinese national na si Lu Li noong Setyembre 20, pati na rin ang patuloy nitong pangha-harass sa kanya at sa kanyang pamilya.

Read also

Darryl Yap, binahagi ang picture ni Cristine Reyes na nag-ala Barbie Hsu

Sen. Raffy Tulfo, napatayo matapos magwala ng Chinese national na nirereklamo ng asawa
Sen. Raffy Tulfo, napatayo matapos magwala ng Chinese national na nirereklamo ng asawa (Screengrab from Raffy Tulof in Action/YouTube)
Source: Youtube

Isang video ang inilabas ni Pamela na nagpapakita ng aktwal na pananakit ni Lu sa kanya, na labis na ikinagalit ni Sen. Raffy Tulfo. Bukod sa pananakit, kitang-kita rin sa video ang pagiging bayolente ng dayuhan nang pagsisira nito ng mga appliances sa kanilang bahay.

Ayon kay Pamela, nag-ugat ang pananakit ni Lu matapos siyang pagbintangan ng asawa ng panlalalaki dahil lamang sa isang chat exchange niya sa isang kaibigang lalaki gamit ang wikang Tagalog—na hindi naman nauunawaan ni Lu. Sa katunayan, iginiit ni Pamela na si Lu mismo ang unang nagloko matapos niyang mahuli itong may kiss mark sa leeg noong Hunyo ng nakaraang taon. Dahil dito, napagdesisyunan niyang tuluyan nang hiwalayan ang asawa, sa kabila ng kanilang pagkakaroon ng isang anak.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Maliban dito, nadiskubre rin ni Pamela na may bago nang kinakasama si Lu, na kakapanganak lang noong Enero 29. Dahil hirap makaintindi ng Ingles at Tagalog ang dayuhan, tinawagan ni Sen. Tulfo ang isang kaibigang marunong magsalita ng Mandarin upang isalin ang paliwanag ni Lu. Ngunit kahit na may ebidensyang video, itinanggi ni Lu ang pananakit at iginiit na nais lamang niyang makita ang kanyang anak.

Read also

Andi Eigemann, nag-react sa komento tungkol sa IG story niyang matingkad na pink ang background

Sa kabila ng pagsisikap ni Sen. Tulfo na maayos ang sitwasyon, lalo pang naging bayolente si Lu at nag-iskandalo sa loob mismo ng RTIA studio. Umabot pa ito sa punto na sinaktan niya ang kanyang sarili, kaya kinailangan siyang ilabas ng security ng programa.

Dahil dito, tinawagan ni Sen. Tulfo si Bureau of Immigration (BI) Spokesperson Dana Sandoval upang alamin ang maaaring legal na aksyon laban kay Lu. Ayon kay Sandoval, kahit may permanent residence visa sa Pilipinas si Lu, maaari pa rin itong makansela dahil sa mga mabibigat na ebidensyang nagpapatunay ng pananakit nito kay Pamela. May posibilidad din umanong madeport at ma-blacklist si Lu bilang isang undesirable alien na hindi na muling makakabalik sa bansa.

Sa huli, nangako si Sen. Tulfo na sasamahan ng RTIA si Pamela sa pagsasampa ng pormal na reklamo sa BI upang mapabilis ang deportation case laban kay Lu. Nakipag-ugnayan din ang senador kay PCapt. Ibralen Jain ng Women and Children Protection Desk ng Parañaque City PNP upang matiyak ang seguridad ni Pamela at ng kanyang pamilya laban sa patuloy na pagbabanta ni Lu.

Read also

Javi Benitez, may pahayag tungkol sa Siargao: "Parang may ibang tubig at hangin doon?"

Si Raffy Tulfo ay isang kilalang Pilipinong mamamahayag, personalidad sa telebisyon, at kasalukuyang senador ng Pilipinas. Ipinanganak siya noong Marso 12, 1960, at nakilala bilang “Hari ng Public Service” dahil sa kanyang mga programa na tumutulong sa mga ordinaryong mamamayan sa pagresolba ng kanilang mga problema, lalo na sa usaping legal at pampamilya.

Dumulog sa Raffy Tulfo in Action si Vilma Pila upang humingi ng tulong na makamit ang hustisya para sa kanyang anak na si Marvil Facturan-Kocjančič, na nasawi sa kamay ng Slovenian husband nito na si Mitja noong Disyembre 29, 2024. Bukod dito, nais din ni Nanay Vilma na maiuwi sa Pilipinas ang mga labi ng kanyang anak mula Slovenia sa lalong madaling panahon.

Aabot sa ₱1.5 milyon ang natangay mula sa Singaporean actor na si Laurence Pang Kum Tong matapos umano siyang mabiktima ng isang Pinay scammer na nakilala niya sa online dating application na “PinaLove.”

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate