Pinay na pinaslang ng asawang Slovenian, naiuwi na sa Pilipinas

Pinay na pinaslang ng asawang Slovenian, naiuwi na sa Pilipinas

  • Naiuwi na sa Pilipinas ang mga labi ng ni Marvil Facturan-Kocjančič matapos itong mapatay ng kanyang Slovenian husband na si Mitja noong Disyembre 29, 2024
  • Lumapit si Vilma Pila sa Raffy Tulfo in Action upang humingi ng tulong para sa hustisya at pagpapauwi ng labi ng kanyang anak mula Slovenia patungong Pilipinas
  • Tinulungan ng RTIA team si Vilma sa pag-aayos ng papeles at nakatanggap siya ng ₱25,000 financial assistance mula sa DFA para sa gastos sa pagpapauwi ng labi ni Marvil
  • Sinagot ni Senador Raffy Tulfo ang lahat ng gastusin para sa transportasyon, burol, at libing ng OFW, habang tiniyak ng embahada ng Pilipinas sa Austria na patuloy nilang tututukan ang kaso upang mapanagot ang suspek

Matapos ang halos isang buwang paghihintay, naiuwi na sa Pilipinas ang mga labi ni Marvil Facturan-Kocjančič, isang Pinay na brutal na pinaslang ng kanyang Slovenian husband na si Mitja noong Disyembre 29, 2024. Ang kanyang ina na si Vilma Pila ay lumapit sa Raffy Tulfo in Action (RTIA) noong Enero 13 upang humingi ng tulong sa hustisya at sa pagpapauwi ng kanyang anak.

Read also

Darryl Yap, binahagi ang picture ni Cristine Reyes na nag-ala Barbie Hsu

Pinay na pinaslang ng asawang Slovenian, naiuwi na sa Pilipinas
Pinay na pinaslang ng asawang Slovenian, naiuwi na sa Pilipinas (Raffy Tulfo in Action/Facebook)
Source: Facebook

Agad na kumilos ang RTIA team at sinamahan si Vilma sa tanggapan ni dating Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega upang ayusin ang mga kinakailangang papeles para sa pagpapauwi ng mga labi ni Marvil. Bukod dito, nakatanggap din siya ng ₱25,000 bilang tulong pinansyal mula sa ahensya.

Dumating ang mga labi ni Marvil sa Mactan-Cebu International Airport noong Enero 28, kung saan sinalubong ito ng RTIA team at ng kanyang pamilya. Tulad ng kanyang pangako, personal na sinagot ni Senador Raffy Tulfo ang lahat ng gastusin para sa transportasyon ng labi mula Cebu patungong Negros, pati na rin ang burol at libing ni Marvil. Nangako rin siya ng karagdagang tulong para sa pamilya ni Marvil.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Samantala, tiniyak ni Philippine Ambassador to Austria Luli Arroyo-Bernas na mahigpit na tinututukan ng embahada ang kaso ni Marvil at patuloy ang kanilang koordinasyon sa mga awtoridad sa Slovenia upang mapabilis ang imbestigasyon. Maging si Senador Tulfo ay nangako na patuloy niyang imomonitor ang kaso ni Marvil hanggang sa mapanagot at mapagbayaran ng suspek ang karumaldumal na krimen na ginawa nito.

Read also

Dia Mate ng Pilipinas, itinanghal na Reina Hispanoamericana 2025

Sa kasalukuyan, mabilis na kumakalat ang mga balita sa social media, na nagiging dahilan ng mabilis na pagpapalaganap ng impormasyon—maging ito man ay positibo o negatibo. Ang mga viral na balita ay kadalasang nagiging paksa ng usap-usapan, lalo na kapag may kasamang matinding emosyon o kontrobersiya.

Sa naunang ulat ng KAMI, isang Pilipina umano ang pinatay ng kanyang Slovenian na asawa ilang araw lamang matapos ang Pasko. Kinondena ng Commission on Filipino Overseas (CFO) ang pagpaslang sa Pilipina.Ang biktima ay si Marvil Facturan-Kocjančič, 27 taong gulang. Sinasabing nagbabakasyon ang mag-asawa sa resort town ng Bled noong Disyembre 29.

Dumulog sa Raffy Tulfo in Action si Vilma Pila upang humingi ng tulong na makamit ang hustisya para sa kanyang anak na si Marvil Facturan-Kocjančič, na nasawi sa kamay ng Slovenian husband nito na si Mitja noong Disyembre 29, 2024. Bukod dito, nais din ni Nanay Vilma na maiuwi sa Pilipinas ang mga labi ng kanyang anak mula Slovenia sa lalong madaling panahon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate