Ina ng 13-anyos na biktima sa Malolos viral video: "Kahit bata ‘yun, ang dami, isa lang anak ko”

Ina ng 13-anyos na biktima sa Malolos viral video: "Kahit bata ‘yun, ang dami, isa lang anak ko”

Binugbog ng mga menor de edad, kabilang ang isang anim na taong gulang, ang isang 13-anyos na batang babae sa Malolos, Bulacan matapos akusahang nagnakaw ng pitaka

  • Maririnig sa isang viral na video ang pagsigaw ng biktima habang patuloy siyang pinagtutulungan ng ibang mga bata at isang babae ang maririnig na nag-uudyok sa kanila
  • Ayon sa barangay, ang ina ng mga batang nambugbog ang unang nagreklamo laban sa biktima ngunit itinanggi nito ang akusasyon sa harap ng mga opisyal
  • Nakipag-ugnayan na ang City Social Welfare Office ng Malolos sa lahat ng menor de edad na sangkot upang bigyan ng counselling at seminar ang mga bata at kanilang mga magulang

Isang 13-anyos na batang babae ang binugbog ng kapwa menor de edad, kabilang ang isang anim na taong gulang na bata, matapos siyang akusahan ng pagnanakaw ng isang pitaka sa Malolos, Bulacan.

Ina ng 13-anyos na biktima sa Malolos viral video: "Kahit bata ‘yun, ang dami, isa lang anak ko”
Ina ng 13-anyos na biktima sa Malolos viral video: "Kahit bata ‘yun, ang dami, isa lang anak ko” (Wikimedia Commons, Pixabay)
Source: Facebook

Ayon sa ulat ni Joseph Morong sa "24 Oras," sinabi ng biktima na si “Mika” (hindi tunay na pangalan) na pinagbubugbog siya ng magkakapatid matapos siyang pagbintangan ng kanilang ina na nagnakaw ng pitaka noong Enero 30.

Read also

Kylie Padilla, binahagi ang saloobin niya sa single motherhood sa pamamagitan ng isang tula

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"‘Pag hindi ko daw po nilabas, ipapabugbog daw po ako sa mga anak niya,” pahayag ng biktima.

Dagdag pa niya, "Hindi ko po sila kaya. Sabi ko, ‘Tama na po’, pero ayaw nila tigilan.”

Sa isang video na kumalat sa social media, maririnig ang iyak at pagsigaw ng biktima habang patuloy siyang pinagtutulungan ng iba pang bata.

Maririnig din ang isang babaeng nagsabi ng, “‘Pag di niyo sinapak ‘yan, bubugbugin ko kayo!” at “Nasaan, ilabas mo na! Bago kita dalhin sa pulis, ipapabugbog muna kita sa mga batang ito.”

Ayon sa barangay, ang ina ng mga batang nambugbog ang unang lumapit sa kanila upang ireklamo ang biktima. Gayunman, itinanggi ni “Mika” ang akusasyon sa harap ng barangay officials.

Hindi naman matanggap ng ina ng biktima ang nangyari sa kaniyang anak.

"Sana sinumbong na lang niya, hindi eh, pinabayo niya. Kahit bata ‘yun, ang dami, isa lang anak ko,” aniya.

Read also

Sekyu, patay matapos barilin ng kasamahan dahil late umano ito

Sa kabila ng kawalan ng ebidensya, nanindigan ang ina ng mga batang nambugbog na ninakaw ni “Mika” ang kaniyang pitaka.

Ipinaliwanag naman niya na nais lang niyang takutin ang biktima sa kaniyang sinabi.

Isa sa mga batang nambugbog ang humingi ng tawad sa ginawa niya.

Nagsampa na ng kaso ang pamilya ng biktima laban sa kabilang panig.

"Dadaanin kami sa pera? Kahit mahirap lang kami, sir," giit ng ina ni “Mika.”

Samantala, umaasa naman ang ina ng mga batang nasangkot na maaayos ang sitwasyon.

"Hangga’t maari, maayos namin. Kasi hindi ko talaga gusto. Ayaw ko din gawin ‘yun sa mga anak ko,” aniya.

Nakipag-ugnayan na ang City Social Welfare Office ng Malolos sa lahat ng menor de edad na sangkot para sa counselling at seminar para sa mga magulang.

Ayon sa ulat ni Glen Juego sa Super Radyo dzBB, kinumpirma ni DSWD spokesperson Aileen Dumlao na natukoy at personal nilang binisita ang mga batang nasa viral video.

Read also

Alodia Gosiengfiao, umalma sa gumamit ng video niya sa pag-promote ng sugal

Sa naunang ulat ng KAMI, nabanggit ni Arnold Clavio na nakapag-usap na umano ang mga magulang ng mga sangkot sa naturang video.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate