Sekyu, patay matapos barilin ng kasamahan dahil late umano ito

Sekyu, patay matapos barilin ng kasamahan dahil late umano ito

  • Patay ang isang security guard matapos na barilin ng kanyang kasamahan
  • Sapul sa video ang tila pagngitngit ng security guard n ahindi napigilang barilin ang kasama
  • Makikitang marami ang saksi sa pangyayari at tila takot na lumapit sa mga security guard
  • Nagawa pang maglakad na lamang papalayo ang suspek matapos ang sinapit ng kanyang kasamahan

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Patay ang isang security guard matapos barilin ng kaniyang kasamahan sa Antipolo City, Rizal.

Sekyu
Screengrab from ABS-CBN News
Source: Facebook

Sa video na ibinahagi ng Antipolo Police kay Christopher Sitson ng ABS-CBN News, makikitang tila isa lamang tipikal na araw sa trabaho nang biglang kumasa ng baril ang isang sekyu.Sa video na ibinahagi ng Antipolo Police kay Christopher Sitson ng ABS-CBN News, makikitang tila isa lamang tipikal na araw sa trabaho nang biglang kumasa ng baril ang isang sekyu.

Target pala nito ang kasamang papalit sa kanya na makailang beses niyang napaputukan ng baril.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sinasabing nagalit umano ang suspek sa biktima dahil late umano ito sa trabaho at sinasabing papalit sa kanyang pag-duty.

Read also

Darryl Yap, bigong makumpleto dokumentong hinihingi ng MTRCB para sa TROPP

Makikita rin na marami ang saksi sa naturang insidente subalit tanging ang biktima ang pinuntirya ng suspek.

Patuloy ang imbestigasyon ng Antipolo Police upang makuha ang buong detalye ng pangyayari at malaman kung may iba pang mga salik na nakapagpalala ng insidente.

Inihahanda na rin ng mga awtoridad ang mga kaukulang kaso laban sa suspek.

Samantala, narito ang kabuuan ng video mula sa ABS-CBN News:

Samantala, matatandaang kamakailan ay nag-viral ang video ng umano'y paninita ng isang security ng kilalang mall sa Kamaynilaan sa isang sampaguita vendor.

Sa video na ibinahagi rin ng Mega Kapamilya, makikita ang sekyu na 'di umano'y pinaaalis ang batang naka-uniporme pa at may hawak ng sinasabing nilalako nitong sampaguita.

Tila nanlaban ang estudyante at pinaghahampas din ng makailang beses ang sekyu ng kanya umanong tinitinda.Gayunpaman, makikita rin sa video na tila umamba ng sipa ang sekyu at sinira pa nito ang mga sampaguita. Ito umano ang inalmahan ng publiko.

Read also

Bestlink College, Ipapatawag sa senado dahil sa reklamo ng mga estudyante

Kalaunan, napag-alaman na 22-anyos na college student na ang sampaguita vendor at gumagamit laman ng unipormeng pang-high school upang mas mabili umanong makabenta.

Samantala, agad na natanggal sa trabaho ang naturang security guard na umani rin ng simpatya sa netizens. Ito ay matapos na malaman ng publiko ang totoong kalagayan ng sinita nitong sampaguita vendor.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica