Bestlink College, Ipapatawag sa senado dahil sa reklamo ng mga estudyante

Bestlink College, Ipapatawag sa senado dahil sa reklamo ng mga estudyante

  • Dumulog sa Raffy Tulfo in Action ang ilang estudyante ng Bestlink College upang ireklamo ang kanilang paaralan kaugnay sa compulsory na activity sa Bataan
  • Nahirapan silang makauwi dahil hindi nila mahanap ang kanilang bus, kung saan may ilan pang napilitang maglakad nang mahaba at may mga nahimatay sa daan
  • Ikinadismaya ng mga estudyante ang pahayag ng paaralan na tila pinabulaanan ang kanilang hinaing sa kabila ng kanilang naging karanasan
  • Matapos makausap ni Senador Raffy Tulfo ang mga nagrereklamong estudyante at ang CHED, ipapatawag ang Bestlink College sa Senado para sa masusing imbestigasyon

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Dumulog sa Raffy Tulfo in Action ang ilang estudyante ng Bestlink College upang ireklamo ang kanilang paaralan kaugnay sa isang activity sa Bataan. Ayon sa mga estudyanteng nagreklamo, ginawang compulsory ng kanilang mga professor ang pagsama sa nasabing aktibidad, dahilan upang mapilitan silang sumali kahit labag sa kanilang kagustuhan.

Bestlink College, Ipapatawag sa senado dahil sa reklamo ng mga estudyante
Bestlink College, Ipapatawag sa senado dahil sa reklamo ng mga estudyante (PHOTO: Bestlink College of the Philippines/Facebook)
Source: Facebook

Nagkaroon umano sila ng matinding problema sa kanilang pag-uwi dahil sa kawalan ng maayos na sistema ng transportasyon. Marami ang nahirapang hanapin ang kanilang bus dahil sa malalayong parking area, dulot ng makikitid na kalsada sa lugar.

Read also

Karelasyon ni Rita Gaviola, pumalag sa espekulasyon sa dahilan ng kanilang isyu

Ilan sa kanila ay napilitang maglakad ng mahabang distansya, kung saan may mga nahimatay dahil sa pagod at init ng panahon. Iniulat na umabot sa 27,000 ang kabuuang bilang ng mga estudyanteng lumahok sa naturang event.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hindi ito ang unang beses na nasangkot sa kontrobersya ang Bestlink College. Noong 2017, isang off-campus activity ng paaralan ang nauwi sa isang aksidente. Dahil dito, lalo pang lumakas ang panawagan ng mga estudyante na papanagutin ang paaralan sa umano'y kapabayaan nito sa kaligtasan ng kanilang mga mag-aaral.

Samantala, ikinadismaya ng mga estudyante ang pahayag ng paaralan na tila pinabulaanan ang kanilang mga hinaing. Matapos makapanayam ni Senador Raffy Tulfo ang mga nagrereklamong estudyante at ang executive director ng CHED, napagkasunduang ipatawag ang Bestlink College sa Senado upang masusing imbestigahan ang insidente at matiyak na hindi na ito mauulit.

Patuloy na inaabangan ng publiko ang magiging resulta ng imbestigasyon, lalo na ng mga estudyante at magulang na umaasa sa mas malinaw na paliwanag mula sa pamunuan ng paaralan.

Read also

Rita Gaviola, hiwalay na umano sa partner: "Nag-usap naman po kami para lang sa bata"

Matatandaang nauna nang naulat ang tungkol sa umano'y pagkakahimatay ng ilang estudyante ng naturang paaralan dahil raw sa paghahanap ng kanilang bus at paglakad ng mahabang oras.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate