Bestlink College, naglabas ng statement kaugnay sa ginanap nilang event
- Naglabas ng pahayag ang Bestlink College of the Philippines kaugnay ng kontrobersiyal na field trip kung saan napilitang maglakad nang ilang oras ang mga estudyante matapos ang anibersaryo ng paaralan sa Bataan
- Binanggit ng paaralan na bukas ito sa isang independent fact-finding investigation upang matukoy ang tunay na nangyari bago, habang, at pagkatapos ng aktibidad
- Pinabulaanan ng Bestlink College ang mga ulat sa social media at iginiit na hindi ito sumasalamin sa aktwal na mga pangyayari sa field trip
- Sinimulan ng Commission on Higher Education at ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang masusing imbestigasyon habang inisyu ng CHED ang isang show cause order laban sa paaralan
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Naglabas ng opisyal na pahayag ang Bestlink College of the Philippines kaugnay ng kontrobersyal na field trip sa Bataan noong Linggo, Enero 26, kung saan napaulat na napilitang maglakad nang ilang oras ang mga estudyante matapos dumalo sa anibersaryo ng paaralan.
Ayon sa Bestlink College, "The administration of this institution is open for any independent fact-finding investigation with an end towards establishing the truth about what really transpired before, during, as well as after, the event."
Itinanggi rin ng paaralan ang mga kumakalat na ulat sa social media at iginiit na hindi ito sumasalamin sa tunay na pangyayari. "The reports circulating on Facebook are not true, fabricated as they are, since they do not reflect what had actually happened on the ground at the time," pahayag pa ng kolehiyo.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Samantala, kinumpirma ng Commission on Higher Education (CHED) at ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na nagsasagawa sila ng masusing imbestigasyon sa insidente. Nagpalabas na rin ng show cause order ang CHED laban sa paaralan upang humingi ng paliwanag tungkol sa nangyari.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nasangkot ang Bestlink College sa isang kontrobersiya. Noong 2017, isang trahedya ang naganap nang maaksidente ang isa sa kanilang mga bus sa isang field trip sa Tanay, Rizal, na nagresulta sa pagkamatay ng hindi bababa sa 15 katao at pagkasugat ng ilan pang iba.
Patuloy na inaabangan ng publiko ang magiging resulta ng imbestigasyon, lalo na ng mga estudyante at magulang na umaasa sa mas malinaw na paliwanag mula sa pamunuan ng paaralan.
Matatandaang nauna nang naulat ang tungkol sa umano'y pagkakahimatay ng ilang estudyante ng naturang paaralan dahil raw sa paghahanap ng kanilang bus at paglakad ng mahabang oras.
Source: KAMI.com.gh