Warrant of Arrest para kay Jude Bacalso, inilabas ng korte

Warrant of Arrest para kay Jude Bacalso, inilabas ng korte

  • Inilabas ng MTCC Branch 6 ang warrant of arrest laban kay Cebu personality Jude Bacalso para sa kasong grave slander by deed
  • Kinasuhan si Bacalso matapos umanong patayuin ng halos dalawang oras ang waiter na nagkamaling tumawag sa kanya ng "sir" noong Hulyo 2024
  • Nagsampa ng reklamo ang 24-anyos na biktima, na nagdusa sa sikolohikal na distress dahil sa insidente
  • Nakatakda ang arraignment at pre-trial ng kaso sa Enero 23, 2025

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Isang warrant of arrest para sa kasong grave slander by deed ang inilabas laban kay Jude Bacalso ng Municipal Trial Court in Cities (MTCC) Branch 6 ayon sa ulat ng CDN.

Warrant of Arrest para kay Jude Bacalso, inilabas ng korte
Warrant of Arrest para kay Jude Bacalso, inilabas ng korte (Jude Bacalso/Facebook)
Source: Facebook

Si Bacalso, isang kilalang personalidad sa Cebu, ay nasangkot sa kontrobersiya noong Hulyo 2024 matapos umanong patayuin ng halos dalawang oras ang 24-anyos na waiter na si “Mark” (hindi tunay na pangalan) matapos itong magkamali at tawagin siyang “sir.”

Ayon sa reklamo, nagdulot ng matinding sikolohikal na distress kay Mark ang insidente, kaya’t nagsampa siya ng maraming kaso laban kay Bacalso noong Agosto 28.

Read also

Maris at Anthony, dumalo sa Incognito fancon matapos ang isyu ng "screenshots"

Nakatakda ang arraignment at pre-trial ng kaso sa Enero 23, 2025, kung saan inaasahan ang pagtutuloy ng paglilitis sa kontrobersyal na isyu.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ayon sa post ni netizen John Calderon, pinatayo umano ng halos 1 oras at 49 minuto ang waiter sa harap ni Bacalso habang sinermunan ito dahil sa maling pagtawag. Sinabi rin ni Calderon na ang waiter ay napaluha habang maraming nakasaksi sa insidente.

Sa isang post noong Hulyo 22, humingi ng paumanhin si Bacalso at inamin na maaaring nagkulang siya sa pagiging mabait sa kanyang adhikain para sa inklusibidad. Sinabi rin niyang humingi na siya ng personal na paumanhin sa grupo na naroon at nais niya ring humingi ng tawad sa waiter.

Halos isang buwan matapos ang insidente, napagdesisyunan ng 24-anyos na waiter na magsampa ng kaso laban kay Bacalso. Ayon sa kanyang abogado na si Atty. Ron Ivan Gingoyon, nais nilang panagutin si Bacalso sa mga umano’y naging aksyon nito na labis na nakaapekto sa waiter.

Read also

Cristy Fermin, binanatan si Darryl Yap dahil sa pelikula nito: 'Wala kang alam!'

Patuloy ang pagtutok ng publiko sa kasong ito, lalo na’t nakaapekto ito sa usapin ng inklusibidad at karapatan ng mga manggagawa.

Matatandaang pinaliwanag ni Jude Bacalso ang viral na larawan na nagpapakita sa kanya umano'y pinapagalitan ang isang miyembro ng wait staff ng isang restauran.

Nagsampa ng multiple charges ang isang waiter laban kay Jude Bacalso, isang kilalang personalidad sa Cebu, matapos itong pagpintuhin nang halos dalawang oras sa isang restaurant dahil sa pagkakamali ng pag-tawag dito ng "sir."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate