19 anyos, patay matapos pagtatagain ng stepfather dahil umano sa selos

19 anyos, patay matapos pagtatagain ng stepfather dahil umano sa selos

  • Isang 19-anyos na dalaga ang nasawi matapos pagtatagain ng kanyang 44-anyos na amain gamit ang jungle bolo sa Taytay, Rizal noong Bagong Taon
  • Ayon sa pulisya, nag-ugat ang insidente mula sa mainitang pagtatalo bago sinundan ng suspek ang biktima at kasintahan nito habang bumibili ng inumin
  • Nagpahayag ang tiyahin ng biktima na maaaring selos ang motibo sa krimen at ibinunyag na may mga ulat ng panghihipo mula sa suspek
  • Kasalukuyan nang hinahanap ng pulisya ang suspek na mahaharap sa mga kasong murder at frustrated murder

Isang 19-taong-gulang na babae ang nasawi matapos pagtatagain ng kanyang 44-taong-gulang na amain gamit ang jungle bolo noong Enero 1 sa Brgy. Sta. Ana, Taytay, Rizal.

19 anyos, patay matapos pagtatagain ng stepfather dahil umano sa selos
19 anyos, patay matapos pagtatagain ng stepfather dahil umano sa selos
Source: Facebook

Sa ulat ng ABS-CBN News, sinabi ni Taytay Police Chief Lt. Col. Marlo Solero na nangyari ang insidente bandang alas-4 ng madaling araw sa kasagsagan ng pagdiriwang ng Bagong Taon. Magkahiwalay na grupo ang nag-iinuman ng biktima at ng suspek sa labas ng bahay na kanilang binabantayan bilang mga caretaker.

Read also

Arnold Clavio, nag-react sa pelikula ni Darryl Yap: "Hindi dapat mawala ang respeto sa kapwa"

"May bisita po 'yung suspect, then may kainuman, at may isa ring grupo ang biktima kasama ang boyfriend niya at iba pang bisita," ani Solero.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima at ang suspek bago nito sinundan ang biktima at ang kasintahan nito habang may dalang jungle bolo, na ginagamit umano sa pagsasaka.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Nung lumabas 'yung magboyfriend para bumili ng inumin, sinundan sila ng suspek at tina

ga ang biktima nang maraming beses. Ang sanhi ng pagkamatay niya ay taga sa ulo," dagdag pa ni Solero.

Tinangka ng boyfriend ng biktima na pigilan ang suspek ngunit nagtamo siya ng sugat sa kanang braso. Siya ngayon ay nagpapagaling sa ospital.

Ayon kay Eduardo Apostol, isang guwardya sa subdivision at saksi sa insidente, nakita niya ang suspek na hinahabol ang kasintahan ng biktima.

"May lumabas sa gate na naghahabulan. Ang isa may itak at 'yung isa tumatakbo. Pagdating sa kalsada, na-out balance yung may hawak ng itak kaya hindi naabot yung biktima," salaysay ni Apostol.

Read also

Mommy ni Barbie Forteza, nagpost ng quote bago ang breakup post ng anak

Matapos ang insidente, nakita ang biktima, duguan, na bumagsak sa labas ng gate ng subdivision. Dagdag pa niya, may bakas ng dugo sa loob ng subdivision na nagpapahiwatig na doon pa lamang ay tinaga na ang biktima.

Ayon sa tiyahin ng biktima, maaaring selos ang motibo ng suspek sa krimen. Ibinunyag niya na minsan nang nagsumbong ang biktima ukol sa umano’y panghihipo ng suspek.

"Nagsumbong po talaga 'yung bata sa 'kin... ang alam ko lang talaga baka nagselos lang talaga," ani ng tiyahin.

Nagpahayag naman ng galit ang ina at ama ng biktima.

"Buhay kapalit ang gusto ko, gusto ko nang patayin kung pwede lang," sabi ng ina.

"Napakaduwag niya, papatayin ang batang walang kamalay-malay," ani ng ama.

Patuloy ang manhunt operation ng pulisya laban sa suspek na mahaharap sa mga kasong murder at frustrated murder.

Sa kasalukuyang digital na panahon, mabilis na kumakalat ang mga balita at kwento sa social media, nagiging viral sa loob ng ilang oras o minuto lamang. Karaniwang nagiging viral ang mga balitang may emosyonal na bigat, nakakagulat na detalye, o kontrobersyal na isyu.

Read also

Chito Miranda, ibinida ang picture nila ni Neri sa kanyang pagbati para sa Bagong Taon

Kamakailan nga ay nag-viral ang balita tungkol sa isang 15-anyos na dalagita, si Analyn Acaso, na umano’y ginahasa ng 13 lalaki sa Oslob, Cebu. Nakapagsumbong pa raw ito sa nangyari sa kanya ngunit kinalaunan ay pumanaw.

Nasa kustodiya na ng Philippine National Police ang apat na indibidwal na konektado sa umano’y “gangrape” ng 15-anyos na dalagita sa Cebu.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate