Miss Grace, nagtungo sa Anti-Cyber Crime: "Tapos na ang panahon ng panahimik"

Miss Grace, nagtungo sa Anti-Cyber Crime: "Tapos na ang panahon ng panahimik"

  • Ibinahagi ni Miss Grace na nagsampa siya ng reklamo laban sa hindi pinangalanang tao na umano’y nanira sa kanya at sa kanyang pamilya
  • Sinabi niyang napilitan siyang lumaban upang protektahan ang kanyang mga anak at ang kanilang kaligayahan
  • Binigyang-diin niya na nanatiling tahimik ang kanyang pamilya sa kabila ng mga paninirang ibinato sa kanila
  • Ipinahayag niya ang kanyang determinasyon na ipaglaban ang kanilang karapatan laban sa mga masasamang hangarin ng iba

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Sa isang post, inihayag ni Miss Grace ang kanyang naging desisyon na magsampa ng reklamo laban sa isang hindi pinangalanang indibidwal na umano’y nanakit at sumira sa kanyang reputasyon at pamilya.

Miss Grace, nagtungo sa Anti-Cyber Crime: "Tapos na ang panahon ng panahimik"
Miss Grace, nagtungo sa Anti-Cyber Crime: "Tapos na ang panahon ng panahimik"
Source: Facebook

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Miss Grace na ito ang isa sa pinakamahirap na desisyon na kanyang ginawa, ngunit kinailangan niyang "lumaban para sa kanyang mga anak."

"Hinde ko ginusto ito at wala akong plano, pero para sa mga anak ko, kailangan kong lumaban. Ang nais lang namin ay maging masaya, kasama ko ang mga anak ko at mga kaibigan namin," ani niya.

Read also

Carlo Aquino sa misis na si Charlie: "Minahal niya ko, despite of everything na pinagdaanan ko"

Binigyang-diin din ni Miss Grace na, sa kabila ng mga akusasyon at paninira laban sa kanya, nanatiling tahimik ang kanyang pamilya. Gayunpaman, tila napuno na siya at ipinahayag na handa na siyang ipaglaban ang nararapat para sa kanyang pamilya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Tapos na ang panahon ng pananahimik at pagpapakumbaba sa mga taong nanakit sa amin. Ngayon, ipaglaban ko na ang nararapat para sa akin at sa mga anak ko," dagdag pa niya.

Hindi idinetalye ni Miss Grace ang mga paratang laban sa naturang tao, ngunit ipinaabot niya ang mensaheng ito para sa lahat ng nakaranas ng paninira at kawalan ng hustisya.

Patuloy na inaabangan ang mga susunod na hakbang ni Miss Grace kaugnay ng kanyang reklamo. Sa ngayon, nananatili siyang determinadong ipaglaban ang kanyang karapatan at protektahan ang kanyang pamilya laban sa anumang masasamang hangarin.

Si Miss Grace na unang nakilala bilang si 'Marites' ang dating asawa ng content creator na si Joel Mondina o mas kilala bilang Pambansang Kolokoy. Tumira siya sa Cotabato at Ilocos bago sila pumunta sa USA. Bata pa lang siya nang lumipat sila sa Amerika sa edad na 9 na taon. Natapos niya ang Doctorate Degree in Nursing.

Read also

Lolit Solis, napagpasyahang hanggang December 31 na lang ang IG niya

Palaban na sinagot ni Miss Grace ang isang dummy account na nagkomento sa kanyang Instagram post. Sinabi nito na pangit pa rin si Miss Grace kahit aniya ay todo na ito sa paggamit ng filter. Sagot naman ni Miss Grace, walang filter ang kanyang video hindi kagaya daw ng aniya ay 'queen of filter'. Dagdag pa niya, hindi pa daw nakaka-move on sa kanya ang mga taong hindi na niya pinangalanan.

Nag-post si Miss Grace ng isang picture ng aso na may nakalagay na salitang "kawawa". Wala itong ibang nakalagay na caption kundi ang salitang "Hala" kalakip ng emoji na nakatakip ang kamay sa bibig at lying face emoji. Matapos nga lumabas ang panayam ng kanyang dating asawang si Joel Mondina o Pambansang Kolokoy ay marami ang nag-aabang sa magiging pahayag niya. Gayunpaman, wala itong nilalabas na pahayag kaugnay sa mga sinabi ng dating asawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate