Chloe San Jose, sinagot ang tanong tungkol sa kanyang ilong: “It’s all natural!”
- Sinagot ni Chloe San Jose ang tanong ng isang netizen tungkol sa kanyang ilong at sinabing hindi siya nagpa-retoke
- Inamin ni Chloe na natural ang kanyang ilong at biro niyang nakuha ito sa kakapisil noong bata pa siya
- Ibinahagi niyang ginagamit pa noon ang pang-ipit ng damit sa kanyang ilong para maging matangos
- Pinayuhan ni Chloe ang netizen na huwag mag-alala dahil natural na nade-develop pa ang features ng bata
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Sinagot ni Chloe San Jose ang isang netizen na nagtanong kung nagpagawa ba siya ng ilong. Sa komento ng netizen, sinabi nitong kapareho ng ilong ni Chloe ang ilong ng kanyang anak sa mga lumang larawan ng aktres at umaasa itong tatangos pa ito.
Nag pa gawa ka po ba ng nose? Curious lang. Dun sa mga baby pic mo same kayo ng nose ng baby ko umaasa ako na tatangos pa ilong nya
Ayon kay Chloe, natural ang kanyang ilong at wala siyang ipinagawa. “I’ve never gotten my nose and or anything done–IT'S ALL NATURAL,” aniya. Ibinahagi rin niya na pinipisil at sinisipit ang kanyang ilong noong bata siya dahil sa paniniwalang makakatulong ito upang tumangos.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Siniguro rin ni Chloe na magde-develop pa ang features ng anak ng netizen, kabilang na ang ilong.
Si Chloe San Jose ay kilalang social media personality at influencer sa Pilipinas. Kadalsan siyang nagpo-post tungkol sa fashion, lifestyle, at travel. Madalas din siyang nasasangkot sa mga kontrobersiya at usap-usapan sa social media, lalo na’t palaban ang kanyang personalidad pagdating sa mga isyu.
Pinatulan ng kontrobersyal na content creator na si Chloe San Jose ang isang netizen na nagsabing nagparetoke daw si Chloe. Hindi pinalampas ni Chloe ang bodyshaming na natanggap niya sa social media. Read more:
Usap-usapan ngayon sa social media ang pagkakasabay ni Chloe San Jose at ng kanyang kasintahan na si Carlos Yulo sa Japan habang naroon din ang nakababatang kapatid ni Carlos na sina Eldrew at Yza. Sa isang post ni Chloe kung saan makikitang nasa Japan siya, isang netizen ang nagtanong kung bumalik na sila ni Carlos sa Tokyo at kung bumisita ba sila kina Eldrew at Yza.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh