Video ng fast food service crew na nakapasa sa LET, umantig sa mga netizens

Video ng fast food service crew na nakapasa sa LET, umantig sa mga netizens

  • Isang video ng fast food crew na si Lyka Jane Nagal ang nag-viral matapos niyang malaman na pumasa siya sa LET
  • Habang nagtatrabaho, hindi napigilan ni Lyka ang magsaya at ipagdiwang ang kanyang tagumpay
  • Agad ipinagbigay-alam ni Lyka ang kanyang tagumpay sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang ina
  • Ang video ni Lyka ay nakakuha ng milyong views sa iba't ibang social media platforms

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Isang video ng isang female fast food service crew ang nagbigay ng inspirasyon sa mga netizens matapos niyang malaman na siya ay pumasa sa Licensure Examination for Professional Teachers (LET/LEPT) noong Biyernes, Disyembre 13.

Video ng fast food service crew na nakapasa sa LET, umantig sa mga netizens
Video ng fast food service crew na nakapasa sa LET, umantig sa mga netizens Photo courtesy: Screenshots from Caizer Jhon Lumibao (FB)
Source: Facebook

Sa viral na video na kuha ng kanyang kasamahan na si Caizer Jhon Lumibao, makikita ang magkasama nilang tinitingnan ang resulta ng board exam sa cellphone sa Professional Regulation Commission (PRC).

Habang nagtatrabaho, hindi mapigilan ni Lyka Jane Nagal, ang board passer, ang magsaya at magsayaw nang matutunan niyang pumasa siya sa LET at naging ganap na teacher na.

Read also

Mimiyuuuh, ibinida ang MRT ad: “Buong EDSA po ang makakakita!”

Kaagad niyang ipinaabot ang kanyang tagumpay sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang ina.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matapos ang ilang sandali, umupo si Lyka sa isang sulok at naging emosyonal. Nang maglaon, tumayo siya at nagpatuloy sa kanyang trabaho.

Ang video na ito ay nakakuha na ng milyong views sa iba't ibang platform, hanggang sa pagsulat ng artikulong ito.

Maligayang bati, Teacher Lyka!

Ang Licensure Examination for Professional Teachers (LET) ay isang pagsusulit na ibinibigay ng Professional Regulation Commission (PRC) sa Pilipinas para sa mga nais maging lisensyadongb titser sa bansa. Ang LET ay isang mahalagang hakbang upang makakuha ng Professional Teaching License na kinakailangan upang makapagturo sa mga paaralan, pampubliko man o pribado.

MAtatandaang kamakailan ay inilabas ng Professional Regulation Commission (PRC) ang resulta ng isa sa mga pinakahuling pagsusulit na kanilang ibinigay. Ipinakita sa resulta na walang pumasa sa Special Professional Licensure Examination for Social Workers. Ginawa ito noong Hunyo 2024 at isinagawa sa tatlong iba't ibang bansa. Gayunpaman, dalawa lamang ang kumuha ng pagsusulit at wala ni isa sa kanila ang nakapasa.

Read also

Ogie Diaz, nilinaw na hindi siya ang PRO ng pelikulang 'And the Breadwinner is'

Sa isang TikTok post na ibinahagi ng user na si "Allyza Cantor," humiling siya ng pabor kina Kathryn Bernardo at Alden Richards. Ayon sa kanya, kukuha siya ng licensure exam at nais niyang magkaroon ng “good luck” bago ang pagsusulit. Kaya naman, hiniling niya kina Kathryn at Alden na tasahan ang mga lapis na gagamitin niya sa araw ng eksaminasyon. At tila naging mabisa nga ang kapangyarihan ng ‘KathDen’ bilang pambuwenas dahil pumasa siya sa Civil Engineers Licensure Examination at isa na ngayong ganap na Civil Engineer.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate