Ama, tinaga ang sariling anak sa Cebu: arestado sa hot pursuit operation
- Nahuli ng City of Naga Police sa Cebu ang isang ama na tinaga ang sariling anak matapos ang isang hot pursuit operation
- Nagkaroon ng alitan ang mag-ama na nauwi sa pananaga, na ikinamatay ng biktima dahil sa sugat sa leeg
- Kinilala ng kapulisan ang suspek na si "Reny," 45-anyos, na residente ng Barangay Cogon, City of Naga
- Mahaharap ang suspek sa kasong parricide at kasalukuyang nasa kustodiya ng City of Naga Police Station
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Himas-rehas ngayon ang isang amang si “Reny,” 45-anyos, matapos itong maaresto ng kapulisan ng City of Naga sa Barangay Cogon, Cebu, noong Nobyembre 23, 2024. Si Reny ang pangunahing suspek sa pananaga sa kanyang sariling anak, na kalaunan ay idineklarang patay dahil sa sugat sa leeg.
Kinilala ang biktima na si Christian Caparida Basalo, 24-anyos, may anak at live-in partner, at isang habal-habal driver na residente ng Purok I sa nasabing barangay.
Samantala, ang suspek na ama ng biktima ay kinilala bilang si Reny Boy Traya Basalo, 45-anyos, isang construction worker, at residente rin ng naturang lugar.
Martha Blythe sa viral picture ni Kathryn, pumalag sa aniya'y "mapaggawa ng kwento at nagmamarunong"
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Verniño Bustillo Noserale, Acting Chief of Police ng City of Naga Police Station, bandang 5:30 ng hapon nang makatanggap sila ng ulat ukol sa insidente. Agad na rumesponde ang mga pulis at isinagawa ang hot pursuit operation na nagresulta sa mabilis na pagkakaaresto ng suspek.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Batay sa paunang imbestigasyon, nag-ugat ang krimen mula sa matinding alitan ng mag-ama. Ang naturang pananaga ay nauwi sa agarang pagkamatay ng biktima, na hindi na naisalba kahit pa ito nadala sa pagamutan.
Hawak na ngayon ng City of Naga Police ang suspek at nahaharap ito sa kasong parricide.
Sa ibang balita, natakasan ng pasahero ang isang driver na naghatid mula sa Quezon City hanggang Pasay. Nagdahilan umano ito na susunduin lamang ang mag-ina ngunit hindi na ito bumalik.
Isang 21-anyos na taxi driver ang nasawi matapos saksakin ng dalawang magkapatid sa Baguio City matapos ang mainitang sagutan sa kalsada noong gabi ng Martes, Oktubre 1, 2024. Sa ulat ng GMA Integrated News, kinilala ang biktima na si Jhonsen Pelayo, na nasangkot sa insidente sa Asin Road.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh