Lolo, niligtas ang pamilya ngunit nasawi nang mapulikat at hindi na makalangoy

Lolo, niligtas ang pamilya ngunit nasawi nang mapulikat at hindi na makalangoy

- Isang lolo ang nasawi matapos iligtas ang kanyang pamilya sa mataas na tubig baha sa kanilang lugar

- Gumawa siya ng balsa at inuna ang kaligtasan ng kanyang pamilya ngunit nakaranas ng pulikat at hindi na nakalangoy pabalik

- Sampung miyembro ng pamilya ang kanyang natulungan kabilang ang kanyang asawa, mga anak, at mga apo

- Puno ng pasasalamat ang pamilya sa sakripisyo ng kanilang ama na itinuring nilang bayani

Isang lolo ang itinuturing na bayani matapos niyang iligtas ang kanyang pamilya sa mataas na baha, subalit nagbuwis ng buhay matapos mapulikat at hindi na makalangoy. Sa kuwento ng kanyang anak na si Kristine Esplago, isinakripisyo ng kanilang ama ang sarili upang tiyaking ligtas ang pamilya habang nasa bubong sila ng kanilang tahanan na halos napuno na ng tubig.

Lolo, niligtas ang pamilya ngunit nasawi nang mapulikat at hindi na makalangoy
Lolo, niligtas ang pamilya ngunit nasawi nang mapulikat at hindi na makalangoy
Source: Facebook

Ayon kay Kristine, gumawa ng balsa ang kanilang tatay upang makatakas sila, subalit nang matapos itong gawin ay nilamig na siya at nakaranas ng matinding pulikat na naging sanhi ng kanyang pagkalunod. “Tay, salamat sa pagiging hero namin. Hanggang sa huling hininga mo, kami pa rin ang iniisip mo,” ani ni Kristine sa kanyang post.

Read also

Nora Aunor, dinala kay Boss Toyo ang damit niya nung manalo siya sa Tawag ng Tanghalan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sampung miyembro ng pamilya ang natulungan ng matapang na ama—kabilang na ang kanyang mga anak, apo, at asawa—bago ito pumanaw. “Salamat, Tay, at sorry kasi hindi kami natutong lumangoy. Ikaw ang nagbigay ng buhay ko, at ngayon ay muli mo kaming binigyan ng pagkakataong mabuhay,” pahayag ni Kristine, puno ng pasasalamat sa sakripisyong ginawa ng kanilang ama.

“Isa kang ehemplo ng isang magiting na ama,” dagdag pa niya. Hiling ni Kristine na ang alaala ng kanilang tatay ay magsilbing inspirasyon sa iba, lalo na sa mga magulang na handang isakripisyo ang lahat para sa kanilang pamilya.

Matatandaang nanawagan ang Bicol RDRRMC matapos na umano'y hindi kayanin ang pag-rescue sa nga humihingi ng tulong. Dahil sa bagyong Kristine, hindi mapigil ang pagtaas ng tubig partikular na sa na sa Bicol Region. Kabi-kabilang update ang makikita kung saan may ilang mga na-stranded pa sa bus at inabot na ng baha.

Read also

Nagdadalamhating ina, humihingi ng tulong matapos ang trahedyang kinasangkutan ng 3 anak

Sapul sa isang video ang paghingi ng tulong ng ilang residente sa Albay. Ito ay dahil sa hindi mapigil na pagtaas ng tubig baha sa bunsod ng pananalasa ng Bagyong Kristine. Isa ang Albay sa Bicol region na nakararanas ng matinding hagupit ni Kristine. Patuloy ang paghingi ng anumang klaseng tulong ang nasabing rehiyon na karamihan ng lugar ay lampas tao pa rin ang baha.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate