Rosmar Tan, binebenta ang luxury car para madagdag sa ipapamigay na tulong
- Nagdesisyon ang social media personality na si Rosmar Tan na ibenta ang kanyang luxury car upang madagdagan ang pondong ipamimigay sa mga nasalanta ng Bagyong Kristine
- Kasalukuyan ding namamahagi si Rosmar ng relief goods bilang tugon sa pangangailangan ng mga apektadong komunidad
- Ayon kay Rosmar, ang kanyang puso sa pagtulong sa kapwa ay busilak at totoo
- Marami ang humanga sa kanyang sakripisyo at all-out na dedikasyon sa pagtulong sa gitna ng kalamidad
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
All-out na ang social media personality na si Rosmar Tan-Pamulaklakin sa pagbibigay ng tulong para sa mga nasalanta ng Bagyong Kristine. Kasama sa kanyang mga hakbang ang pamamahagi ng relief goods, ngunit hindi rito nagtapos ang kanyang inisyatiba.
Inanunsyo ni Rosmar ang pagbebenta ng kanyang mamahaling sasakyan upang madagdagan ang pondong ilalaan sa mga nangangailangan.
Sa kanyang social media account, ibinahagi ni Rosmar ang kanyang motibasyon: “‘Di man ako perpektong tao pero sinisigurado ko na ang puso ko sa pagtulong sa mga tao ay busilak at totoo.” Bukod pa rito, pinuri ng netizens ang kanyang sakripisyo at dedikasyon sa pagtulong sa kapwa, lalo na sa gitna ng mga pagsubok na dinaranas ng mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad.
Patuloy si Rosmar sa pagpapalawak ng kanyang mga programa sa pagtulong, na nagsilbing inspirasyon sa marami.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Si Rosemarie Tan, o mas kilala bilang Rosmar Tan, ay sumikat sa social media dahil sa kanyang aktibong pagtulong sa mga tao, lalo na sa panahon ng pandemya. Ang kanyang mga followers sa social media accounts ay patuloy na dumami.
Kamakailan ay nilinaw ni Rosmar ang isyu tungkol sa umano'y hindi nila pagbayad sa kinain nila sa Coron. Ipinahayag niya na ang pagkain nila ay bahagi ng XDEAL kung saan kapalit ng libreng pagkain ay pagpopromote nila sa social media. Maraming restaurant daw ang nag-aagawan na ilibre sila ng pagkain dahil sa kanilang kasikatan at malaking following. Hinikayat ni Rosmar ang publiko na huwag maniwala sa fake news na ipinapakalat ng bashers.
Sinadya nina Rosmar at Team Malakas ang tinitirahan ng isang ina na may 15 na mga anak. Makikita sa video na halos hindi na sila magkasya sa tahanan ng mga ito sa Tondo. Bukod sa tulong pinansyal, isang surpresa rin ang binigay ni Rosmar sa ina lalo na sa mga anak nito. Matatandaang sa kabila umano ng kontrobersiyang kinaharap, tila patuloy pa rin umano sa pagtulong ang grupo ni Rosmar.
Source: KAMI.com.gh