3 menor-de-edad na estudyante, patay matapos tamaan ng kidlat sa Zamboanga del Sur
- Tatlong menor-de-edad na estudyante ang patay matapos tamaan ng kidlat habang nangunguha ng saging sa Purok 6, Barangay Damit, Bayog, Zamboanga del Sur
- Malubha naman ang dalawang iba pa na kasama sa insidente at sila ay ginagamot sa isang pagamutan
- Kinumpirma ng Bureau of Fire Protection at Zamboanga del Sur Provincial Police Office na naganap ang insidente habang umaambon
- Ayon sa mga magulang, nagpilit ang mga estudyante na manguha ng saging upang maibenta sa palengke para sa kanilang school intramurals
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Patay ang tatlong menor-de-edad na estudyante habang malubha naman ang dalawang iba pa nang tamaan ng kidlat habang nangunguha ng bunga ng saging para maibenta sa kanilang pangangailangan sa eskwela sa Purok 6, Barangay Damit, Bayog, Zamboanga del Sur nitong Huwebes ng hapon.
Ayon sa ulat ng Philippine Star, kinumpirma ng mga opisyal ng Bureau of Fire Protection (BFP)-9 at ng Zamboanga del Sur Provincial Police Office na naganap ang insidente habang nangunguha ng saging ang mga biktima sa isang bukirin nang biglang kumidlat ng malakas. Ang limang estudyante ay nasapol ng kidlat sa hindi inaasahang pagkakataon.
Tatlo sa mga biktima ang idineklarang dead-on arrival sa isang pagamutan matapos silang dalhin ng mga kasapi ng Bayog Fire Station, habang patuloy na ginagamot ang dalawang kasamahan na nagtamo ng mga paso at sugat sa kanilang katawan, ayon sa ulat ng Bayog Municipal Police Station.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa pahayag ng mga magulang ng mga estudyante, sinabi nilang nagpilit ang mga biktima na manguha ng saging sa sakahan, na pinayagan naman ng may-ari, upang maibenta sa palengke para kumita ng pera para sa kanilang mga pangangailangan sa darating na school intramurals.
Sa ibang balita,isang 18-anyos na babae ang natagpuang patay sa kanyang inuupahang bahay sa Lungsod ng Baguio.Batay sa ulat ng GMA, natagpuan siyang walang saplot - Nakita rin na may saksak sa kanyang leeg nang madiskubre ang kanyang bangkay. Ayon sa ulat ni CJ Torida ng GMA Regional TV One North Central Luzon, isang kaibigan ng biktima ang nag-alala nang hindi ito sumasagot sa mga tawag, kaya’t napagpasyahan niyang tingnan ang kalagayan ng biktima.
Ang mga larawan mula sa burol ni Mae Fatima Tagactac, ang Grade 12 student na natagpuang patay sa isang lodging house, ay ibinahagi sa social media. Ibinahagi ang mga larawan ng Brigada News FM Toledo. Sa mga larawan, makikita ang kanyang ama na nagluluksa sa pagkamatay ng kanyang anak. Ang suspek sa pagpatay sa dalaga ay nananatiling malaya at hindi pa nahuhuli.
Source: KAMI.com.gh