Babaeng naglaba sa ilog sa CDO, natagpuang hubad at walang buhay

Babaeng naglaba sa ilog sa CDO, natagpuang hubad at walang buhay

- Natagpuang patay ang isang 32-anyos na babae matapos maglaba sa ilog sa Barangay Dansolihon, Cagayan de Oro City

- Hubo't hubad at may sugat sa ulo ang biktima nang matagpuan ng mga residente sa lugar

- Naaresto ang isang 23-anyos na lalaki matapos makita ang kanyang motorsiklo malapit sa crime scene at may mga bakas ng dugo sa kanyang damit

- Itinanggi ng suspek ang mga paratang at iginiit na pumunta lamang siya sa kanyang bukid matapos uminom sa kanilang bahay

Isang 32-taong gulang na babae ang natagpuang patay matapos maglaba sa ilog sa Barangay Dansolihon, Cagayan de Oro City. Ayon sa mga residente, natagpuan ang katawan ng biktima na hubo’t hubad at may sugat sa ulo.

Babaeng naglaba sa ilog sa CDO, natagpuang hubad at walang buhay
Babaeng naglaba sa ilog sa CDO, natagpuang hubad at walang buhay
Source: Facebook

Ayon sa hipag ng biktima, naglalaba ang babae sa umaga ng Miyerkules, Oktubre 16, 2024, bago nila nalamang natagpuan na itong wala nang buhay sa ilog. Pinaniniwalaang posibleng ginahasa muna ang biktima bago pinatay.

Read also

Liam Payne, nakapag-upload pa ng photos isang oras bago pumanaw

Sa isinagawang follow-up operation, naaresto ng pulisya ang isang 23-taong gulang na lalaki na itinuturong suspek sa krimen. Ayon sa mga awtoridad, natagpuan ang motorsiklo ng suspek malapit sa pinangyarihan ng insidente at may mga bakas ng dugo sa kanyang damit na nakumpiska rin ng mga pulis.

Sinabi ni Major Mike Cavan, hepe ng Lumbia Police Station, "Sa isang lugar sa kagubatan, natunton natin ang suspek sa tulong ng tawag mula sa kanyang kapatid. Nang tawagan ng kapatid, nasa gilid lamang ang ating mga operatiba kasama ang mga barangay tanod."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Mariing itinanggi ng suspek ang paratang, sinasabing pumunta siya sa kanyang bukid matapos uminom sa kanilang bahay. “Gikan ko nag-inom sa balay unya niadto ra dayun ko sa akong uma. Ako naman hinuon ang ilang gipangita nuon, dili gyud ako bossing,” wika ng suspek.

Read also

4 anyos na bata, nasawi matapos mabagsakan ng metal railings sa Cebu City

Sumailalim sa autopsiya ang katawan ng biktima upang matukoy ang tunay na dahilan ng pagkamatay.

Samantala, isang 2-taong gulang na batang babae ang nabangga ng isang pick-up na minamaneho ng kanilang kapitbahay sa Masinop Street, Tondo, Manila. Sa CCTV footage, makikitang naglalaro ang mga bata sa kalsada habang ang batang babae ay naglalakad mag-isa.

Isang nakakabahalang pangyayari ang nangyari sa Brgy. Baldoza, La Paz, Iloilo City matapos matagpuan ang dalawang batang na-trap sa loob ng abandonadong sasakyan. Isa sa mga bata, ang limang taong gulang na si Camcam, ang nakapanayam ng GMA Super Radyo Iloilo at ikinuwento ang kanilang karanasan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate