4 anyos na bata, nasawi matapos mabagsakan ng metal railings sa Cebu City

4 anyos na bata, nasawi matapos mabagsakan ng metal railings sa Cebu City

- Binagsakan ng metal railings ang apat na taong gulang na si Crismark sa isang fiah market sa Barangay Subâ, Cebu City

- Naglalaro si Crismark malapit sa railings nang biglang bumagsak ito at tumama sa kanya

- Agad siyang dinala sa ospital ngunit pumanaw rin dahil sa malubhang sugat sa ulo

- Nangako ang pamahalaang lungsod ng tulong pinansyal at posibleng parusa sa mga may pananagutan sa insidente

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Isang trahedya ang naganap sa Barangay Subâ, Cebu City noong hapon ng Oktubre 14, 2024, nang mabagsakan ng metal railings ang isang apat na taong gulang na batang lalaki, na nakilala sa pangalang “Crismark.” Nakunan ng CCTV ang insidente na nagpapakita ng paglalaro ni Crismark kasama ang isa pang bata malapit sa mga railings. Sa video, makikita ang kalaro ni Crismark na umakyat at bumaba sa railings bago ito bumagsak sa kanya.

Read also

Pamilya ng Grade 10 student sa Pasig, nagsampa ng reklamo laban sa nang-bully sa kanya

4 anyos na bata, nasawi matapos mabagsakan ng metal railings sa Cebu City
4 anyos na bata, nasawi matapos mabagsakan ng metal railings sa Cebu City (Image: Decemay Padilla/GMA Super Radyo Cebu via GMA Regional TV)
Source: Facebook

Mabilis namang rumesponde ang mga residente at agad dinala si Crismark sa Cebu City Medical Center. Ngunit dahil sa malubhang sugat sa ulo, inilipat siya sa Vicente Sotto Memorial Medical Center, kung saan siya binawian ng buhay.

Ayon kay Juanito Sandoval, lolo ng bata, si Crismark ay iniwan sa kanyang pangangalaga mula nang magsimulang magtrabaho bilang kasambahay ang ina ng bata sa ibang probinsya.

Nangako naman si Cebu City Mayor Raymond Alvin Garcia na magbibigay ng tulong pinansyal ang pamahalaang lungsod sa pamilya ni Crismark. Dagdag pa ni Garcia, handa nilang patawan ng kaukulang parusa ang mga responsable sa pamilihan kung mapatunayang may kapabayaan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nagsagawa na rin ng masusing imbestigasyon ang Police Station 6 ng Cebu City Police Office sa pangunguna ni Deputy Chief, Police Lt. Loreto Tuliao.

Read also

CEO ng skin care products sa umano'y mga mastermind: "Nakilamay pa kayo!"

Malapit na sanang magdiwang ng kanyang ikalimang kaarawan si Crismark sa Nobyembre 7, 2024. Sinabi ni Juanito na hindi na siya magsasampa ng reklamo at nais na lamang niyang makuha ang suporta ng pamahalaan.

Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag ang administrator ng pamilihan ng isda tungkol sa insidente.

Samantala, isang 2-taong gulang na batang babae ang nabangga ng isang pick-up na minamaneho ng kanilang kapitbahay sa Masinop Street, Tondo, Manila. Sa CCTV footage, makikitang naglalaro ang mga bata sa kalsada habang ang batang babae ay naglalakad mag-isa.

Isang nakakabahalang pangyayari ang nangyari sa Brgy. Baldoza, La Paz, Iloilo City matapos matagpuan ang dalawang batang na-trap sa loob ng abandonadong sasakyan. Isa sa mga bata, ang limang taong gulang na si Camcam, ang nakapanayam ng GMA Super Radyo Iloilo at ikinuwento ang kanilang karanasan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate