CEO ng skin care products sa umano'y mga mastermind: "Nakilamay pa kayo!"

CEO ng skin care products sa umano'y mga mastermind: "Nakilamay pa kayo!"

- Hindi mapigilan ng CEO ng isang skin care product ang maglabas ng saloobin kaugnay sa paggulong ng imbestigasyon sa pagkapaslang ng mag-asawang online seller na sina Arvin at Lerma Lulu

- Ayon sa CEO ng HonestGlow na si Dave Villanueva, nakilamay pa daw ang mga ito

- Maging siya daw ay nababahala sa nangyari lalo at malapit sa mga biktima ang tinuturong mastermind

- Aniya, mahirap na talaga magtiwala kahit sa kaibigan dahil may mga taong handang gawin ang lahat para sa pera

Ibinahagi ni Dave Villanueva, CEO ng HonestGlow, ang kanyang saloobin sa kasalukuyang imbestigasyon sa pamamaslang ng mag-asawang online seller na sina Arvin at Lerma Lulu. Ayon kay Villanueva, nadurog ang kanyang puso nang malamang ang mga itinuturong mastermind ay malalapit na kaibigan pa ng mga biktima, at dumalo pa umano ang mga ito sa burol ng mag-asawa.

Read also

Isa sa dalawang bata na na-trap sa abandonadong sasakyan, sinabing tubig-ulan ang kanilang ininom

CEO ng skin care products sa umano'y mga mastermind: "Nakilamay pa kayo!"
CEO ng skin care products sa umano'y mga mastermind: "Nakilamay pa kayo!"
Source: Facebook

Inihayag ni Villanueva na lubos na nakakabahala ang pangyayari at sinabing mahirap na talagang magtiwala kahit sa mga kaibigan, lalo’t may mga tao na kayang isakripisyo ang pagkakaibigan sa ngalan ng pera. Idinagdag pa niya na ang mga nasabing suspek ay tila wala nang konsensya, dahil sila pa umano ang nagplano ng krimen.

Ayon pa sa CEO, labis ang kanyang pangamba sa naganap, kaya’t napapaisip siyang mamuhay na lamang ng simple, magtanim ng gulay, at mag-alaga ng manok sa kanilang hacienda kaysa patuloy na mabahala sa mga ganitong pangyayari.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang sa kuha ng CCTV, makikita ang riding in tandem na nakasunod sa sasakyan ng mag-asawang Lerma “Mommy Lerms” Lulu at Arvin Lulu. Sila ang mag-asawang negosyante na binaril sa Mexico, Pampanga. Ayon sa ulat ng GMA news, naroroon din ang anak nila at pinsan nito pero nakaligtas sila ngunit traumatized ang mga ito. Hustisya ang patuloy na hinihiling ng naulilang kaanak ng mag-asawa.

Matatandaang ipinahayag ni Mabalacat City Mayor Crisostomo Garbo na magbibigay siya ng gantimpalang P100,000 sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon na makakatulong sa pag-aresto sa mga pumatay sa kilalang online seller na si Lerms Lulu at asawa niyang si Arvin sa Mexico, Pampanga, kamakailan. Sa kanyang pahayag, sinabi ni Garbo na siya ay nakikiramay sa mga pamilya at kaibigan ng mag-asawang Lulu, na mga residente ng Mabalacat City.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate