Anim na pulis, sinibak sa pwesto matapos masangkot sa pambubugbog ng estudyante
- Sinibak sa pwesto ang anim na pulis matapos masangkot sa umano'y pagmamaltrato sa isang criminology student
- Inatasan ni Police Colonel Dyan Agustin, Officer-in-Charge ng LLCPO, ang Criminal Investigation and Detective Management Unit upang kilalanin ang mga sangkot na pulis sa insidente
- Ayon sa isang netizen na tiyuhin ng biktima, maling napagbintangan sa pagnanakaw ang kanyang pamangkin na nagtatrabaho bilang caretaker
-Mariing itinanggi ng biktima ang paratang ngunit umano’y sinaktan siya ng mga pulis sa gitna ng imbestigasyon
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Ayon sa ulat ng News 5, sinibak sa pwesto ang anim na pulis matapos masangkot sa umano'y pagmamaltrato sa isang criminology student. Ayon kay Police Colonel Dyan Agustin, Officer-in-Charge ng LLCPO, inatasan na niya ang Criminal Investigation and Detective Management Unit upang tukuyin ang mga pulis na sangkot sa insidente na nangyari noong Biyernes, Oktubre 4, 2024.
Batay sa post ng isang netizen na nagpakilalang tiyuhin ng biktima, pinasok umano ng mga magnanakaw ang bahay na pinagmamasid ng criminology student na nagtatrabaho bilang caretaker. Sa imbestigasyon ng mga pulis, lumabas na ang pamangkin niya ang pinaghihinalaang may kinalaman sa nasabing pagnanakaw.
Mariing itinanggi ng criminology student ang lahat ng paratang, ngunit ayon sa salaysay, ikinagalit ito ng mga pulis at sinimulan siyang bugbugin. Matapos ang insidente, pinakawalan din ang biktima.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Dahil dito, nanawagan ang netizen kay Lapu-Lapu City Mayor Junard Chan upang aksyunan ang pangyayari.
Ayon kay Col. Agustin, nabasa niya ang post sa social media at nakakita siya ng sapat na batayan upang imbestigahan ang insidente. Nangako rin siya ng isang patas at masusing imbestigasyon upang mabigyan ng hustisya ang nasabing kaso.
Sa ibang balita,isang 18-anyos na babae ang natagpuang patay sa kanyang inuupahang bahay sa Lungsod ng Baguio.Batay sa ulat ng GMA, natagpuan siyang walang saplot - Nakita rin na may saksak sa kanyang leeg nang madiskubre ang kanyang bangkay. Ayon sa ulat ni CJ Torida ng GMA Regional TV One North Central Luzon, isang kaibigan ng biktima ang nag-alala nang hindi ito sumasagot sa mga tawag, kaya’t napagpasyahan niyang tingnan ang kalagayan ng biktima.
Ang mga larawan mula sa burol ni Mae Fatima Tagactac, ang Grade 12 student na natagpuang patay sa isang lodging house, ay ibinahagi sa social media. Ibinahagi ang mga larawan ng Brigada News FM Toledo. Sa mga larawan, makikita ang kanyang ama na nagluluksa sa pagkamatay ng kanyang anak. Ang suspek sa pagpatay sa dalaga ay nananatiling malaya at hindi pa nahuhuli.
Source: KAMI.com.gh