44-Anyos na babae brutal na pinatay sa Sara, Iloilo; stepdaughter, ginahasa ng suspek
- Natagpuang patay si Grace Fortaleza sa loob ng kanyang tahanan sa Sara, Iloilo noong Oktubre 3, 2024
- Nagsumbong ang kanyang 17-anyos na stepdaughter ng kapatid niya na ginahasa siya ng isa sa mga suspek
- Ayon sa pulisya, may fatal na sugat si Grace sa ulo at narekober ang isang kahoy na may bahid ng dugo malapit sa kanya
- Patuloy ang imbestigasyon sa mga person of interest upang matukoy ang motibo ng krimen
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Isang 44-anyos na babae ang natagpuang patay sa loob ng kanyang tahanan sa Barangay Arante, Sara, Iloilo nitong Oktubre 3, 2024. Kinilala ang biktima na si Grace Asiwagan Fortaleza. Ayon sa ulat ng GMA Regional TV, bandang alas-2 ng madaling araw nang matagpuan siyang naliligo sa dugo sa kanyang kama .
Ang 17-anyos na naroroong kasama ni Grace sa bahay, na itinago sa pangalang "Maria," ay nagsabi sa pulisya na siya ay ginising ng isang lalaki na pumasok sa kanilang bahay. Nang siya ay sumigaw para humingi ng tulong, sinakal siya ng lalaki at nakita niyang naliligo sa dugo si Grace. Sinabi rin ni "Maria" na siya ay ginahasa ng nasabing lalaki.
Ayon sa imbestigasyon, pumasok ang suspek sa bahay sa pamamagitan ng bintana. May narekober na kahoy na may bahid ng dugo malapit sa biktima. Sinira rin ng suspek ang CCTV camera sa lugar. May mga person of interest na tinitignan ang mga awtoridad, ngunit hindi pa nagbibigay ng karagdagang detalye upang hindi maapektuhan ang imbestigasyon.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa ibang balita,isang 18-anyos na babae ang natagpuang patay sa kanyang inuupahang bahay sa Lungsod ng Baguio.Batay sa ulat ng GMA, natagpuan siyang walang saplot - Nakita rin na may saksak sa kanyang leeg nang madiskubre ang kanyang bangkay. Ayon sa ulat ni CJ Torida ng GMA Regional TV One North Central Luzon, isang kaibigan ng biktima ang nag-alala nang hindi ito sumasagot sa mga tawag, kaya’t napagpasyahan niyang tingnan ang kalagayan ng biktima.
Ang mga larawan mula sa burol ni Mae Fatima Tagactac, ang Grade 12 student na natagpuang patay sa isang lodging house, ay ibinahagi sa social media. Ibinahagi ang mga larawan ng Brigada News FM Toledo. Sa mga larawan, makikita ang kanyang ama na nagluluksa sa pagkamatay ng kanyang anak. Ang suspek sa pagpatay sa dalaga ay nananatiling malaya at hindi pa nahuhuli.
Source: KAMI.com.gh