Apat na trabahador, hinihinalang na-suffocate sa fermentation pool sa pagawaan ng patis sa Bulacan
- Posible daw na na-suffocate ang apat na trabahador na namatay sa isang pagawaan ng patis sa Obando, Bulacan
- Inutusan daw ng may-ari ng pagawaan ang kanyang pamangkin na linisin ang fermentation pool pero nawalan daw ito ng malay
- Sinubukan ng tatlo niyang kasamahan ang sumubok na bumaba upang tulungan sana ang naunang bumaba pero nabigo sila at maging sila ay namatay din
- Ayon sa ulat ng News5Everywhere ay apat na taon nang hindi operational ang pagawaan ng patis
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Isang malagim na insidente ang naganap sa isang pagawaan ng patis sa Obando, Bulacan, kung saan apat na trabahador ang hinihinalang na-suffocate sa loob ng isang fermentation pool. Ayon sa mga ulat, inutusan umano ng may-ari ng patisan ang kanyang pamangkin na linisin ang fermentation pool, ngunit nawalan ito ng malay matapos bumaba sa loob ng pool.
Sa pagsisikap na iligtas ang naunang bumaba, tatlo pang kasamahan nito ang sumubok na pumasok sa pool upang tumulong. Sa kasamaang palad, nabigo rin sila at nawalan ng malay, na nagresulta sa pagkamatay ng apat na manggagawa.
Iniulat ng News5Everywhere na ang nasabing pagawaan ng patis ay apat na taon nang hindi operational. Patuloy namang isinasagawa ang autopsy sa mga bangkay upang matukoy ang eksaktong sanhi ng kanilang pagkamatay, bagama't malaki ang posibilidad na suffocation ang dahilan dahil sa mga kemikal sa fermentation pool.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa ibang balita,isang 18-anyos na babae ang natagpuang patay sa kanyang inuupahang bahay sa Lungsod ng Baguio.Batay sa ulat ng GMA, natagpuan siyang walang saplot - Nakita rin na may saksak sa kanyang leeg nang madiskubre ang kanyang bangkay. Ayon sa ulat ni CJ Torida ng GMA Regional TV One North Central Luzon, isang kaibigan ng biktima ang nag-alala nang hindi ito sumasagot sa mga tawag, kaya’t napagpasyahan niyang tingnan ang kalagayan ng biktima.
Ang mga larawan mula sa burol ni Mae Fatima Tagactac, ang Grade 12 student na natagpuang patay sa isang lodging house, ay ibinahagi sa social media. Ibinahagi ang mga larawan ng Brigada News FM Toledo. Sa mga larawan, makikita ang kanyang ama na nagluluksa sa pagkamatay ng kanyang anak. Ang suspek sa pagpatay sa dalaga ay nananatiling malaya at hindi pa nahuhuli.
Source: KAMI.com.gh