75-anyos na 'Tsuper Lola,' dalawang dekada nang namamasada ng jeep

75-anyos na 'Tsuper Lola,' dalawang dekada nang namamasada ng jeep

- Isang 75-anyos na jeepney driver na si Lola Normina Macatiag ay patuloy na nagmamaneho para sa kaniyang pamilya

- Simula 6 a.m. hanggang 10 p.m. siya nasa kalsada at kaya pa niyang makipagsabayan sa iba pang tsuper

- Nagsimula ang kaniyang interes sa pagmamaneho noong bata pa siya dahil sa negosyo ng kanilang pamilya

- Malaki ang naitutulong ng kaniyang pamamasada sa mga gastusin ng pamilya kaya’t patuloy siyang nagtatrabaho

Isang 75-anyos na jeepney driver na kinilala bilang si Lola Normina Macatiag ang patuloy na nagmamaneho para sa kaniyang pamilya, ayon sa ulat ng Frontline Pilipinas. Ayon kay Lola Normina, bagaman 6 a.m. pa lamang ay nasa kalsada na siya at inaabot ng hanggang 10 p.m., hindi umano hadlang ang kaniyang edad sa pagpapatuloy ng kaniyang pamamasada.

75-anyos na 'Tsuper Lola,' dalawang dekada nang namamasada ng jeep
75-anyos na 'Tsuper Lola,' dalawang dekada nang namamasada ng jeep
Source: Youtube

Ibinahagi ni Lola Normina na ang kaniyang ruta ay mula Monumento hanggang Malinta, at kaya pa rin niyang makipagsabayan sa ibang mga tsuper sa kalsada. Sinabi niyang masaya siya sa kaniyang ginagawa at madalas ay nagdarasal habang nagmamaneho. Kapag kaunti lang ang pasahero, kumakanta siya ng mga kantang pang-simbahan, na nagbibigay sa kaniya ng kaligayahan, lalo na’t kinakausap siya ng mga pasaherong bago pa lamang niyang nakikita.

Read also

Andrea Brillantes, inaming nag-alangan noon na maglabas ng perfume line

Nagsimula umano ang interes ni Lola Normina sa pagmamaneho noong bata pa lamang siya dahil sa negosyo ng kanilang pamilya na jeepney driving. Taong 1997 nang simulan niyang subukan ang pagmamaneho, at noong 1998 ay pormal na siyang naging tsuper. Ikinuwento pa niya na malaki ang naitutulong ng kaniyang pamamasada sa gastusin ng kaniyang pamilya, at hangga't kaya ng kaniyang katawan, patuloy siyang magtatrabaho kasabay ng panalangin.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa isang ulat ng KAMI, umantig sa puso ng marami ang video ng lolo na kinakantahan ang kanyang misis. Lalo na at ang awitin ay akmang-akma sa kanilang pagsasama. Marami rin ang humanga sa dalawa na umabot sa ganoong edad na magkasama. Ang iba, sinabing naalala ang kanilang mga lolo at lola na patuloy na nagmamahalan dahil sa naturang video.

Naging emosyonal naman ang isang estudyanteng si Jay Mark Maniquez Espartero nang ipakita niya ang kanyang diploma at toga sa kanyang lolo’t lola na sina Marcelino at Marteliana Maniquez sa bukid. Hindi nakadalo ang kanyang lolo’t lola sa graduation ceremony dahil sa hirap ng pag-commute. Agad na pinuntahan ni Jay Mark ang kanyang lolo’t lola sa bukid upang ipakita ang kanyang pasasalamat at pagpapahalaga sa kanilang pagsisikap.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate