Security guard, nakipagbarilan sa 5 magnanakaw sa tindahan; lider, patay
- Nakipagbarilan ang isang guwardiya sa limang magnanakaw sa isang tindahan ng prutas sa Barangay San Isidro, Makati City
- Agad na nasawi ang lider ng grupo na si Jeric Brondial, na may mga outstanding warrants para sa iba't ibang kaso
- Gumanti ng putok ang mga kawatan ngunit hindi tinamaan ang guwardiya
- Patuloy ang pursuit operation ng pulisya upang mahuli ang mga nakatakas na suspek
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Isang guwardiya ang nakipagbarilan sa limang magnanakaw na nanloob sa isang tindahan ng prutas sa Barangay San Isidro, Makati City, na nagresulta sa pagkamatay ng lider ng mga suspek. Ayon sa ulat, naganap ang insidente madaling araw ng Miyerkules, kung saan mapapanood sa CCTV ang mga suspek na tila may kontrol sa lugar bago maganap ang barilan.
Ayon sa Makati City Police, matapos madapa ng mga magnanakaw, biglang tumayo ang guwardiya at nagpaputok ng baril. Gumanti ng putok ang ilan sa mga kawatan ngunit hindi tinamaan ang guwardiya. Naudlot umano ang plano ng mga suspek nang may dumaan na mga pulis, na nagbigay ng pagkakataon sa guwardiya upang depensahan ang sarili.
Cristine Reyes, nagpost matapos mag-deactivate ng IG at maintrigang hiwalay na sila ni Marco Gumabao
Agad na nasawi ang lider ng grupo na kinilalang si Jeric Brondial, na may mga outstanding warrants para sa iba't ibang kaso kabilang na ang frustrated murder, robbery, at carnapping. Isang suspek ang tinamaan sa likod ngunit nakatakas kasama ang iba pa.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Sa crime scene, nakarekober ang pulisya ng isang 9-mm na baril at dalawang motorsiklo na ginamit ng mga suspek. Patuloy ang imbestigasyon at pursuit operation upang mahuli ang mga natitirang kawatan. Nagbigay na rin ng pahayag sa pulisya ang guwardiya tungkol sa insidente.
Samantala, tila maging ang ibang bahagi ng TV5 ay naghahanda na rin umano sa programa ng Tito, Vic at Joey noong July 1, 2023. Nang matanong ni Wendell ng Showbiz Now Na ang ilang gwardiya ng TV5, sinabi ng mga ito na inaasahan na nila ang pagdagsa ng tao.
Isang security guard ang nahuli matapos subukang sunugin ang isang online bingo establishment na kanyang pinagtatrabahuhan. Bukod dito, nasangkot din ang guwardiya sa pagnanakaw ng pera mula sa opisina. Makikita sa CCTV na dalawang beses siyang bumalik sa opisina upang maglabas ng mga bungkos ng pera. Subalit, sa kanyang ikalawang pagbalik, sinubukan niyang sunugin ang ilan sa mga perang ninakaw.
Source: KAMI.com.gh