Ex-gf ni Xian Gaza, binibenta ang kanyang diary: "They contain many secrets"

Ex-gf ni Xian Gaza, binibenta ang kanyang diary: "They contain many secrets"

- Binibenta ng ex-girlfriend ni Xian Gaza ang diary niya sa halagang 1 milyong baht o mahigit 1.6 milyong piso

- Sinabi niyang puno ng lihim ang dalawang notebooks at para daw ito sa mga stalker

- Nagdesisyon siyang ibenta itoat ang ilan niyang sapatos upang makabili daw ng bagong pares ng high heels

- Makikita sa kanyang post ang larawan ng sapatos at mga notebooks, kasama ang pasilip sa mga nilalaman ng diary

Isang kakaibang post ang binahagi ng ex-girlfriend ni Xian Gaza na nagpasyang ibenta ang kanyang diary sa halagang 1 milyong baht, o mahigit 1.6 milyong piso. Maging ang ilang pares ng kanyang sapatos ay binebenta niya rin.

Ex-gf ni Xian Gaza, binibenta ang kanyang diary: "They contain many secrets"
Ex-gf ni Xian Gaza, binibenta ang kanyang diary: "They contain many secrets"
Source: Facebook

Ayon sa kanyang post, ibinebenta niya ang mga ito upang makabili ng bagong pares ng high heels. Ang dalawang notebooks, na naglalaman ng kanyang pang-araw-araw na kwento, ay sinasabi niyang para sa mga stalker.

Read also

Tito Mars, usap-usapan matapos ang kanyang sinabi tungkol sa mga teacher

Those two notebooks, I wrote my daily stories in them. Perfect for a stalker who wants to harm me because they contain many secrets. Selling for 1 million baht (cash or bank transfer only).

Makikita sa kanyang post ang larawan ng ilang pares ng sapatos at ang dalawang notebooks na kanyang ibinibenta. Nagbigay siya ng pasilip sa mga nilalaman ng notebooks, na sinasabi niyang may mga "maraming lihim."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nagdulot ng iba't ibang reaksyon sa social media ang post niya lalo na't kamakailan lang nang kumpirmahin ni Xian Gaza ang kanilang paghihiwalay sa pamamagitan ng ilang posts. Ang desisyon ng ex-girlfriend ni Xian Gaza na ibenta ang kanyang diary ay nagbigay daan sa mga spekulasyon.

Si Xian Gaza o Christian Albert Gaza ay unang nakilala sa social media matapos ang kanyang kontrobersiyal na billboard proposal sa aktres na si Erich Gonzales para mag-coffee. Nakilala din siya sa bansag na "pambansang scammer" matapos siyang akusahan ng pang-iiscam.

Read also

Peraphy contestant na si Angelito, may paglilinaw tungkol sa kanyang post

Biniro ni Xian Gaza ang malapit na kaibigang si Zeinab Harake na puro lang daw basketball ang inaatupag nito. Sa comments section ng kanyang post, tinanong siya ni Zeinab kung kailangan na ba daw niyang sumunod kay Xian sa lugar kung nasaan siya.

Nagbahagi si Xian ng picture niya kasama si Angelica Yap na kilala bilang si Pastillas Girl. Sinagot niya ang mga komento sa kanya na balimbing daw siya dahil sa pakikipagkaibigan kay Angelica.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: