Tito Mars, usap-usapan matapos ang kanyang sinabi tungkol sa mga teacher

Tito Mars, usap-usapan matapos ang kanyang sinabi tungkol sa mga teacher

- Muling naging usapan ang content creator na si Tito Mars matapos niyang ilabas ang video kung saan naghayag siya ng opinyon sa isang balita

- Ang balita ay tungkol sa pagdaing daw ng ilang teachers tungkol sa anim na oras na pagtuturo

- Inihalintulad niya ang trabaho ng mga teachers sa trabaho ng ilang health care workers na matagal din ang trabaho at hindi daw nagrereklamo

- Marami sa mga teachers ang naghayag ng kanilang mga saloobin kaugnay sa video na inilabas ni Tito Mars

Muling naging usap-usapan ang content creator na si Tito Mars matapos niyang ilabas ang isang video na naglalaman ng kanyang opinyon sa isang balita. Ang balita ay ukol sa pagdaing ng ilang mga teachers tungkol sa anim na oras na pagtuturo araw-araw.

Tito Mars, usap-usapan matapos ang kanyang sinabi tungkol sa mga teacher
Tito Mars, usap-usapan matapos ang kanyang sinabi tungkol sa mga teacher
Source: Facebook

Sa kanyang video, inihalintulad ni Tito Mars ang trabaho ng mga teachers sa trabaho ng ilang health care workers na mahahabang oras ang trabaho ngunit hindi naman nagrereklamo. Ayon sa kanya, mas matagal pa ang oras ng mga health care workers, partikular na ang mga nurse, na nagbubuno sa kanilang mga shift ng 16 oras sa mga ospital gaya ng PGH.

Read also

DJ Chaha, nagkomento sa posibilidad na pagsasama sa isang araw ng ilang public holiday

Narito ang ilan sa mga pahayag ni Tito Mars mula sa kanyang video:

"Hiyang-hiya naman daw po sa inyo yung mga NURSES na nagdu-duty ng 16 oras sa PGH."

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"2 oras pag-tuturo. 4 oras pag-video para may pang-reels at upload sa TikTok."
"Gusto ata ng mga teachers half-day lang trabaho nila."

Dahil dito, maraming mga teachers ang naghayag ng kanilang saloobin at opinyon kaugnay sa video ni Tito Mars. Ang kanyang mga pahayag ay nagdulot ng iba't ibang reaksyon mula sa komunidad ng mga teachers na nagtanong kung ang paghahambing na ginawa ni Tito Mars ay makatarungan at makatwiran.

Si Tito Mars ay nakilala sa social media sa kanyang mga videos kung saan naghahayag siya ng kanyang pananaw at opinyon. Nitong mga nakaraang araw ay may mga videos siya kung saan pinagbibigyan niya ang mga eating challenge mula sa netizens kabilang na ang pagkain ng sardinas, tuyo at mangga na may bagoong. Dahil sa kanyang reaksiyon tuwing kumakain siya nito ay marami ang nambatikos sa kanya.

Read also

Peraphy contestant na si Angelito, may paglilinaw tungkol sa kanyang post

Matatandaang nagsalita si Tito Mars matapos makatanggap ng pangbabatikos. Kasunod ito ng kanyang mga content kung saan kumakain siya ng ilan sa mga pagkaing kinakain ng pangkaraniwang Pinoy. Pinabulaanan niyang binastos niya ang pagkain ng mga mahihirap dahil wala daw siyang sinabing pambabastos sa mga pagkain na kinain niya sa mga video. Tinuturing din daw niya ang sarili niya na kabilang sa mga mahihirap.

Muling naging usap-usapan si Tito Mars matapos ang binahagi niyang video kung saan susubukan daw niya sa unang pagkakataon na sumakay sa jeep. Nagulat daw siya na marami raw palang ibang pasahero sa jeep dahil akala daw niya ay siya lang mag-isa. Nagtanong din siya sa driver kung pwede ba raw card o mobile payment ang kanyang bayad.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate