Titser, kinabiliban sa ginawa nitong pag-akyat sa flagpole upang ikabit ang rope

Titser, kinabiliban sa ginawa nitong pag-akyat sa flagpole upang ikabit ang rope

- Isang babaeng gúro mula Savidug Elementary School sa Sabtang, Batanes ang umakyat sa flagpole upang ayusin ang tali ng flag

- Ibinahagi ni Arlene R. Castillo sa Facebook ang video ng gúro na mabilis kumalat sa social media at nag-viral

- Kilala si Teacher Carol Baro Figuro sa kanyang dedikasyon at pagtanggap ng mahihirap na gawain, kaya siya na mismo ang umakyat sa flagpole

- Nagpahayag si Teacher Carol na sanay na siyang umaakyat sa mga puno simula pagkabata, kaya’t ginawa niya ang pag-akyat sa flagpole para sa kanyang mga estudyante

Isang babaeng gúro mula sa Savidug Elementary School sa Sabtang, Batanes ang hinangaan matapos niyang gawin ang isang matapang na hakbang upang ayusin ang problema sa flagpole ng paaralan.

Titser, kinabiliban sa ginawa nitong pag-akyat sa flagpole upang ikabit ang rope
Titser, kinabiliban sa ginawa nitong pag-akyat sa flagpole upang ikabit ang rope
Source: Facebook

Kamakailan lamang, ibinahagi ni Arlene R. Castillo, isang Facebook user, ang video ng isang gúro na umaakyat sa flagpole upang ayusin ang tali ng bandila. Ang video ay mabilis na kumalat sa social media at nakatanggap ng maraming positibong komento mula sa netizens.

Read also

Vice Ganda, napatakbo sa backstage matapos matanggal ang wig habang sumasayaw

Si Carol Baro Figuro, isang kilalang dedikadong gúro, ang umakyat sa flagpole upang ayusin ang tali na madalas na napuputol, na nagpapakita ng kanyang malasakit sa kanyang trabaho at sa kanyang mga estudyante.

Si Carol Figuro ay isang master teacher na nagtuturo sa Savidug Elementary School sa loob ng apat na taon. Araw-araw, naglalakbay siya ng humigit-kumulang 14 na kilometro upang magturo sa kanyang 19 na estudyante. Ang kanyang kahandaang magsakripisyo para sa kanyang mga estudyante ay nagdulot ng papuri mula sa marami.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Noong Hulyo 31, 2024, umakyat si Teacher Carol sa flagpole upang ayusin ang nylon rope para sa bandila ng Pilipinas, tinitiyak na maayos itong naka-display para sa flag ceremony ng paaralan. Ang kanyang dedikasyon ay umani ng maraming positibong komento mula sa mga netizens na humanga sa kanyang pagsusumikap.

Read also

Awra Briguela, sinagot ang komentong nagpa-party-party na naman siya

Si Teacher Carol Figuro ay isang halimbawa ng tunay na dedikasyon at tibay ng loob. Ang kanyang mga gawain ay nagpapaalala sa atin ng mahalagang papel na ginagampanan ng mga gúro sa buhay ng kanilang mga estudyante at ang kanilang kahandaang magsakripisyo para sa kapakanan ng iba.

Matatandaang labis na hinahangaan ang isang güro sa Negros Occidental na patuloy na nagtuturo sa kabila ng karamdaman. Tatlong beses kada linggo itong nagpapa-dialysis dahil sa sakit.

Muling hinangaan ang gurong si Jeric Maribao nang muli siyang mamahagi ng biyaya. Hindi lamang mga estudyante ang kanyang sinurpresa kundi maging maga magulang nito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate