Lalaking biglang tumalon sa binahang Recto underpass sa Maynila, hindi pala marunong lumangoy

Lalaking biglang tumalon sa binahang Recto underpass sa Maynila, hindi pala marunong lumangoy

- Isang lalaki ang biglang tumalon sa binahang Recto underpass sa Maynila ngunit hindi pala marunong lumangoy

- Ang video ng insidente ay nag-viral matapos ipost ni netizen Joyce Mati-ong sa Facebook

- Agad namang tumalon ang ilang kalalakihan para sagipin ang lalaki at sa kabutihang-palad ay nailigtas siya

- Umani ng iba't ibang reaksyon at papuri mula sa netizens ang mga kaibigang sumagip sa lalaki

Isang video ang nag-viral sa social media matapos ipost ni netizen Joyce Mati-ong ang isang lalaking biglang tumalon sa binahang Recto underpass sa Maynila. Ang pagbaha ay dulot ng malakas na ulan na dala ng super typhoon Carina na sinabayan pa ng hanging habagat.

Lalaking biglang tumalon sa binahang Recto underpass sa Maynila, hindi pala marunong lumangoy
Lalaking biglang tumalon sa binahang Recto underpass sa Maynila, hindi pala marunong lumangoy
Source: Facebook

Sa kanyang post, nagbiro si Mati-ong ng caption na, "Yung nakalimutan mo na dika pala marunong lumangoy."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Herlene Budol, bumwelta matapos siyang sabihang ugaling kalye

Sa video, makikita ang matapang na pagtalon ng lalaki sa maduming baha, ngunit napansin ng mga tao na tila nalulunod ito. Agad namang kumilos ang ilang kalalakihan at tumalon din sa baha upang sagipin ang lalaki. Sa kabutihang-palad, nailigtas ang lalaki at hindi ito nalunod.

Ang video ay umani ng iba't ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens. Ang ilan ay nagbiro tungkol sa nangyari:

Grabe lakas ng fighting spirit ah!
atapang tumalon di naman pala marunong lumangoy. pero ayos lang di ka pinabayaan ng mga tropa mo. kaya Salute sa kanila.. Good job mga idol
I salute those friends who didn't hesitate to save him instead of just laughing at him. I wonder what was the guy reaction/realization after the incident

Binayo ng super typhoon Carina ang Pilipinas, na nagdulot ng matinding pag-ulan at pagbaha sa iba't ibang bahagi ng bansa. Ang Maynila ay isa sa mga lugar na lubos na naapektuhan, kung saan ang Recto underpass ay binaha nang husto. Maraming residente ang lumikas sa mas ligtas na lugar habang patuloy na binabantayan ang kalagayan ng panahon.

Read also

Rider na nagsauli ng nakitang Php3 million na tseke sa RTIA, nagantimpalaan

Samantala, nakauwi na ang aktor na si Michael De Mesa matapos ma-stranded ng halos isang araw. Ito ay dahil sa matinding pagbaha dulot ng bagyong Carina. Bagama't maagang natapos ang kanyang taping, halos wala namang madaanang kalsada para siya't makauwi. Pinasalamatan ni Michael ang lahat ng tumulong upang siya ay makauwi ng ligtas.

Marami naman ang bumilib sa isang isang taho vendor na pinili paring maglako sa kasagsagan ng bagyong Carina. Bukod dito, makikitang tumataas na rin ang tubig baha sa kanilang lugar. Ibinahagi ng kanyang anak ang nasaksihang kasipagan ng ama. Samantala, isa ring taho vendor ang umantig sa puso ng marami nang suungin nito ang hanggang baywang na baha sa pag-asang makapagtitinda pa rin siya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate