Rosmar, binuksan ang kanyang farm para sa mga nasalanta ni Carina: "Libre lang po"
- Binuksan ni Rosmar Tan ang kanyang farm sa Batangas para sa nasalanta ng Bagyong Carina
- Marami sa ating mga kababayan ang binaha at nasiraan ng tahanan sa pananalasa ng bagyo
- Libre lamang niya itong bubuksan sa mga nasabing biktima ng bagyo
- Matatandaang nakilala si Rosmar pagtulong niya sa kapwa bago pa man siya makilala bilang isang sikat na negosyante
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Ibinahagi ni Rosmar Tan Pamulaklakin na bukas umano sa publiko ang kanyang R Farm Resort sa Tanauan Batangas. Ito ay para umano sa mga nasalanta ng Bagyong Carina.
Ayon kay Rosmar, libre at walang babayaran ni piso ang pansamantalang pagpapatuloy niya sa mga naging biktima ng pagbaha at ilang nasiraan ng tirahan sa tindi ng hagupit ni Carina.
"Habang di ko pa nabebenta gamitin ko muna para makatulong sa mga taong nasalanta ng bagyo. Need ko lang proof na BINAHA kayo at walang matuluyan."
Sa kanyang post, ibinigay ni Rosmar ang detalye kung paano makakatuloy sa kanyang farm.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"Priority po sana matatanda, buntis, sanggol at mga bata," paglilinaw niya.
Dinanas ng Metro Manila at iba pang mga kalapit probinsya ang bangis ng bagyong Carina. Dala ng walang humpay na pag-ulan, maraming lugar ang binaha at ang iba'y nasiraan o tuluyang nawalan ng tirahan.
Marami rin sa ating mga kababayan ang piniling lumikas sa taas ng tubig baha habang ang iba naman ay stranded dahil bihira ang transportasyon dala pa rin ng mataas na pagbaha.
Samantala, narito ang kabuuan ng post ni Rosmar:
Si Rosmar Tan o Rosemarie Tan Pamulaklakin ay nakilala sa social media dahil sa kanyang pamamahagi ng tulong sa mga netizens lalo na noong kasagsagan ng pandemya.
Isa na siya sa mga kilalang CEO ng sarili niyang brand at habang parami nang parami ang tumatangkilik sa kanya, dumarami rin ang mga produktong naihahain niya sa kanyang mga supporters.
Naging usap-usapan muli si Rosmar matapos nitong bigyan ng blessings ang social media personality na si Diwata. Sinasabing nasa milyon-milyon ang halaga ng lahat ng naibahagi ni Rosmar kay Diwata. At sa kabila umano ng mga kontrobersiyang kanilang kinakaharap, patuloy pa rin siyang tumutulong sa mga nangangailangan.
Kamakailan, nagkaroon ng pagkakataong makapanayam ni Ogie Diaz sina Rosmar at Rendon Labador ng Team Malakas. Doon, naidetalye ni Rosmar ang mga isyung kinaharap nila sa pagiging persona non grata nila sa Palawan. Paglilinaw ni Rosmar, tatlong araw umano silang nagkaroon ng charity sa naturang lugar at marami talaga umanong biyaya ang naipamahagi sa loob ng nasabing panahon.Hindi nila inasahan ang dami at dagsa ng tao sa huling araw kung saan sa mismong lugar na sila namili ng mga ipamimigay.Dito nagkaroon umano ng masasabing aberya gayung marami ang umasang mabibigyan subalit hindi nakakuha.Ito ang naging dahilan sa post ng sinasabing staff ng munisipyo na nagresulta sa nag-viral na komprontasyon na nai-post mismo ni Rendon.
Gayunpaman, inamin niyang pinagsisishan ang nangyari na noong napanood mismo ang kanilang video, mas lalo niyang naisip na tila mali ang kanyang naging reaksyon sa mga oras na iyon. Hiling din niyang mabigyan pa sila ng chance na makabalik sa Palawan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh