Tito Mars, naghayag ng kanyang opinyon sa isyu ni Jude Bacalso

Tito Mars, naghayag ng kanyang opinyon sa isyu ni Jude Bacalso

- Maging ang content creator na si Tito Mars ay naghayag ng kanyang opinyon kaugnay sa isyu ng LGBTQ member na si Jude Bacalso

- Aniya, mukha namang lalaki ito kaya dapat ay hindi magalit ito na tawaging 'sir'

- Maging siya daw pag nagkita sila ay hindi mapagkakamalan ni Tito Mars na babae ito

- Aniya, ito ang mahirap sa ibang miyembro ng LGBTQ, ang pagiging sobrang 'feelingera' at entitled

Sa gitna ng kontrobersiya na kinasasangkutan ng LGBTQ member na si Jude Bacalso, naghayag ng kanyang opinyon ang kilalang content creator na si Tito Mars. Ayon kay Tito Mars, "Mukha namang lalaki ito kaya dapat ay hindi magalit na tawaging 'sir'." Idinagdag pa niya na kung magkita man sila, hindi niya mapagkakamalan na babae si Jude Bacalso.

Tito Mars, naghayag ng kanyang opinyon sa isyu ni Jude Bacalso
Tito Mars, naghayag ng kanyang opinyon sa isyu ni Jude Bacalso
Source: Facebook

Binigyang-diin ni Tito Mars na ito ang isa sa mga isyu ng ilang miyembro ng LGBTQ community—ang pagiging sobrang 'feelingera' at entitled.

Read also

Ogie Diaz, pinayuhan si Willie Revillame matapos ang sunod-sunod na kontrobersiya

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nauna nang humingi ng paumanhin si Jude kaugnay sa isyu. Sa kanyang post, sinabi niyang humingi na rin siya ng dispensa sa mga staff ng naturang restaurant na naapektuhan sa nangyari.

My apologies also to the rest of the staff who are disheartened by the way things have escalated, as well as to the customers present at that time. This is a huge chunk of humble pie that I must ingest, because I have erred

Si Tito Mars ay nakilala sa social media sa kanyang mga videos kung saan naghahayag siya ng kanyang pananaw at opinyon. Nitong mga nakaraang araw ay may mga videos siya kung saan pinagbibigyan niya ang mga eating challenge mula sa netizens kabilang na ang pagkain ng sardinas, tuyo at mangga na may bagoong. Dahil sa kanyang reaksiyon tuwing kumakain siya nito ay marami ang nambatikos sa kanya.

Read also

Ogie Diaz, may payo sa BINI kaugnay sa kanilang 'Jabbawockeez' ootd

Matatandaang nagsalita si Tito Mars matapos makatanggap ng pangbabatikos. Kasunod ito ng kanyang mga content kung saan kumakain siya ng ilan sa mga pagkaing kinakain ng pangkaraniwang Pinoy. Pinabulaanan niyang binastos niya ang pagkain ng mga mahihirap dahil wala daw siyang sinabing pambabastos sa mga pagkain na kinain niya sa mga video. Tinuturing din daw niya ang sarili niya na kabilang sa mga mahihirap.

Muling naging usap-usapan si Tito Mars matapos ang binahagi niyang video kung saan susubukan daw niya sa unang pagkakataon na sumakay sa jeep. Nagulat daw siya na marami raw palang ibang pasahero sa jeep dahil akala daw niya ay siya lang mag-isa. Nagtanong din siya sa driver kung pwede ba raw card o mobile payment ang kanyang bayad.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate