Turista mula Cagayan de Oro City, patay sa aksidente sa water activity sa Lapu-Lapu City, Cebu

Turista mula Cagayan de Oro City, patay sa aksidente sa water activity sa Lapu-Lapu City, Cebu

- Patay ang 43-anyos na turista mula Cagayan de Oro City habang sumasali sa water activity sa Olanggo Island, Lapu-Lapu City, Cebu

- Nakaposisyon ang biktima sa dulo ng inflatable jumping balloon at naghihintay ng pagtalon ng staff para mapatalbog siya sa tubig

- Tumalbog nang mataas ang biktima ngunit nawalan ng kontrol at naunang bumagsak ang kanyang ulo sa inflatable jumping balloon

- Naglunsad ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang sanhi ng aksidente at tiniyak ang pagpapatupad ng mas mahigpit na safety measures

Isang turista mula sa Cagayan de Oro City ang nasawi habang nagsasagawa ng water activity sa Olanggo Island, Lapu-Lapu City, Cebu. Ang insidente ay naganap habang ang 43-anyos na babaeng turista ay sumasali sa isang popular na atraksyon, ang inflatable jumping balloon.

Turista mula Cagayan de Oro City, patay sa aksidente sa water activity sa Lapu-Lapu City, Cebu
Turista mula Cagayan de Oro City, patay sa aksidente sa water activity sa Lapu-Lapu City, Cebu
Source: Twitter

Ayon sa mga saksi, nakaposisyon ang biktima sa dulo ng inflatable jumping balloon, naghihintay ng tamang sandali para sa pagtalon ng staff na magpapatalbog sa kanya patungo sa tubig. Sa isang video na nakuha ng mga awtoridad, makikita ang biktima na nag-aabang habang ang staff ay naghahanda sa pagtalon.

Read also

Herlene Budol, agaw-pansin sa GMA Gala matapos mahulog habang rumarampa

Sa pagtalon ng staff, tumalbog nang mataas ang biktima. Ayon sa mga ulat, nawalan ng kontrol ang biktima habang siya ay nasa ere, at sa kasamaang-palad, naunang bumagsak ang kanyang ulo sa inflatable jumping balloon sa halip na sa tubig. Dahil dito, nagtamo siya ng malubhang pinsala na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Naglunsad ng imbestigasyon ang mga otoridad upang matukoy ang mga pangyayari sa likod ng trahedya. Sinusuri nila ang mga protocol at safety measures na ipinatutupad ng operator ng nasabing water activity.

Kamakailan ay isang lalaki ang nanalo ng 50K sa tattoo challenge ni Rosmar Tan subalit pumanaw. Ayon kay Rosmar, sinabi pa ng lalaki na magpapapirma siya ng tattoo kay Rosmar. Natanggap ng lalaki ang 50K na premyo bago ang trahedya ayon na rin sa post ni Rosmar. Magbibigay din si Rosmar ng karagdagang tulong para sa pamilyang naiwan ng lalaki.

Read also

BINI Sheena, sa pangarap lang niya noong maging dancer: "Ngayon, Jabbawockeez na 'ko"

Nasawi naman ang mag-asawa sa Zamboanga del Norte habang ibinabyahe ang bangkay ng kanilang sanggol. Pauwi na sana ang mag-anak nang maganap ang aksidente. Mayroon pang kasama ang mag-asawa na nakasunod sa kanila sakay ng motorsiklo. Nagawa pang dalhin ang mga biktima sa ospital subalit dead on arrival na ang mga ito.

.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate