Iprinisinta ng DILG at PNP ang 2 pangunahing suspek sa pagpatay kay Geneva Lopez at Yitshak Cohen
- Iprinisinta ng DILG at PNP ang mga suspek sa pagpatay kay Geneva Lopez at Yitshak Cohen na sina Michael Guiang at Rommel Abuzo
- Lumabas sa imbestigasyon na isinangla ni Guiang ang kanyang lupa kay Lopez ngunit hindi niya ito nabayaran
- Agad pinagbabaril ang magkasintahan sa loob ng sasakyan at inilibing sa bakanteng lote sa Barangay Sta. Lucia, Capas, Tarlac
- Tatlong karagdagang persons of interest ang hawak ng CIDG kabilang ang driver na naging susi sa pagkadiskubre ng bangkay ng mga biktima
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Iprinisinta ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) ang dalawang pangunahing suspek sa pagpatay kay Geneva Lopez at ang Israeli boyfriend nito na si Yitshak Cohen. Kinilala ang mga suspek na sina Michael Guiang at Rommel Abuzo, na parehong dating pulis.
Ayon sa imbestigasyon, lumitaw na isinangla ni Guiang ang kanyang lupa kay Lopez ngunit hindi niya ito nabayaran. Dahil dito, nakipagkita siya sa mga biktima at pinaniwala ang mga ito na may bibili na ng kanyang lupa. Ngunit sa kanilang pagkikita, agad umanong pinagbabaril ni Guiang ang magkasintahan sa loob ng kanilang sasakyan.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Matapos ang insidente, agad inilibing ang mga biktima sa isang bakanteng lote sa Barangay Sta. Lucia, Capas, Tarlac. Bukod sa dalawang suspek, tatlong karagdagang persons of interest ang hawak ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), kabilang na ang driver na naging susi sa pagkadiskubre sa bangkay ng mga biktima.
Napag-alaman na sasampahan ng kasong dalawang counts of murder at illegal possession of firearms sina Guiang at Abuzo.
Huling nakita sina Lopez, isang Mutya ng Pilipinas Pampanga contestant, at ang kanyang Israeli boyfriend na si Cohen noong Hunyo 21. Bumiyahe ang dalawa mula sa kanilang tirahan sa Angeles City, Pampanga patungong Tarlac upang tingnan ang bibilhing lupa.
Matatandaang sinusuri ng mga awtoridad ang CCTV footage ng sasakyan na ginamit ng Mutya ng Pilipinas Pampanga contestant na si Geneva Lopez at ng kanyang Israeli boyfriend na si Yitshak Cohen, na iniulat na nawawala noong Hunyo 22.
Nauna na ring naiulat na ilang tao na ang itinuturing na persons of interest (POI) ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa pagkawala ng beauty pageant contestant mula Pampanga na si Geneva Lopez at ng kanyang Israeli na boyfriend na si Yitshak Cohen.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh