Kapatid ni Yitzhak Cohen, nananawagan ng hustisya para sa kapatid at fiancée nito
- Nananawagan ng hustisya si Yaniv Cohen para sa kanyang kapatid na si Yitzhak Cohen at ang girlfriend nitong si Geneva Lopez
- Inaayos ni Yaniv ang mga dokumento at proseso para maiuwi ang bangkay ng kanyang kapatid sa Israel
- Nagpapasalamat si Yaniv sa pagkakakita sa labi ng kanyang kapatid sa kabila ng malungkot na balita
- Hiniling ni Yaniv na mapanagot ang mga responsable sa pagpaslang at matuklasan ang buong katotohanan sa likod ng krimen
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nananawagan ng hustisya si Yaniv Cohen para sa kaniyang kapatid na si Yitzhak Cohen at ang beauty queen girlfriend nito na si Geneva Lopez. Sa panayam ni @Dennis_Datu ng ABS-CBN New, sinabi niyang inaayos na ang proseso ng pag-uwi sa bangkay ni Yitzhak sa Israel.
Sa kabila ng malungkot na balita, nagpahayag ng pasasalamat si Yaniv Cohen sa pagkakakita sa labi ng kanilang mahal sa buhay. Kasalukuyan niyang inaasikaso ang mga dokumento at kinakailangang proseso upang madala na sa Israel ang bangkay ng kanyang kapatid. Aniya, napakahalaga para sa kanilang pamilya na maibalik sa kanilang bansa si Yitzhak upang mabigyan ng maayos na libing.
Sinabi ni Yaniv na hiling niya na mabigyan ng hustisya ang kanyang kapatid at si Geneva. Nanawagan siya sa mga awtoridad na gawin ang lahat upang mapanagot ang mga responsable sa karumal-dumal na krimen. Ayon pa sa kanya, ikinalulungkot niyang nasangkot ang kanyang kapatid sa mga maling tao.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa kasalukuyan ay patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad upang matiyak na magkakaroon ng katarungan ang pagkamatay ni Yitzhak at Geneva.
Huling nakita sina Lopez, isang Mutya ng Pilipinas Pampanga contestant, at ang kanyang Israeli boyfriend na si Cohen noong Hunyo 21. Bumiyahe ang dalawa mula sa kanilang tirahan sa Angeles City, Pampanga patungong Tarlac upang tingnan ang bibilhing lupa.
Sumuko ang driver ng dalawang pangunahing suspek sa pagpatay kina Geneva at Yitzhak ayon sa CIDG. Si "Jess" daw ang nagturo sa pulisya kung saan ibinaon ang mga bangkay ng mga biktima sa Barangay Sta. Lucia, Capas, Tarlac. Kinumpirma ni Pampanga Governor Dennis Pineda ang pagkakakilanlan ng mga bangkay na natagpuan noong Sabado. Nasa kustodiya ng CIDG ang dalawang dating pulis na pangunahing suspek, isa rin sa kanila ay nahuli dahil sa ilegal na pag-iingat ng mga baril.
Ayon sa kapatid ni Yitzhak, si Yaniv Cohen, nakausap pa ng kanilang kapatid na babae si Itzhak isang oras bago ito nawala. Sa isang panayam sa Ynet, sinabi ni Yaniv na pumunta si Yitzhak upang makipagkita sa isang taong kilala na niya ng ilang taon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh