Josh Mojica, sa mga nag-aakusang yumabang na siya: "kasi po more on real talk"
- Nakapagbigay pahayag si Josh Mojica tungkol sa mga nag-aakusa umanong yumabang na siya
- Ipinaliwanag din niya kung sino nga ba ang pinatutungkulan niya sa kanyang mga payo online
- Mas binibigyang pansin umano niya ang mga taong nagpapadala ng mensahe sa kanya at sinasabing na-inspire niya ang mga ito
- Si Josh Mojica ay ang owner at founder ng Kangkong Chips Original na sinimulan niya noong siya'y 17 taong gulang pa lamang
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Muling nakapanayam ni Ogie Diaz ang batang negosyante sa likod ng Kangkong Chips Original na si Josh Mojica. Isa sa natalakay nila ang kontrobersyal na mga pahayag ni Josh dahilan para akusahan siya ng publiko na "mayabang" na umano.
"Dapat maklaro muna natin kung ano po 'yung ibig sabihin ng mayabang mama Ogs eh. Para sa akin po ang mayabang 'yung nagsasalita ka ng mga bagay na hindi totoo just to brag, just to make you look good. Or parang yung i-praise ka ng tao," panimula ni Josh.
"Pero mama Ogs, lahat ng sinasabi ko sa internet totoo lang po e. The goal is only to inspire," pagkaklaro pa ni Josh.
"Kailangan din po nilang maintindihan na porke't audience ko po kasi mga bata, so alam na alam ko po kung ano'yung gusto ng mga bata ngayon"
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"And ang mga kabataan po kasi ngayon lalo na sa internet mahirap na makuha 'yung atensyon nila e. Kailangan po may something special sa'yo"
"Kaya kung sinasabi nila na mayabang yung tono ng pagsasalita ko, kasi po more on real talk. Kung paano ko rin po kausapin 'yung mga ka-age ko, mga bata, ganun ko lang din po kinakausap 'yung mga audience"
Dahil dito tila nami-misisiterpret umano siya ng mga nakatatanda.
"Ang totoo pong target audience ay youth at ang goal lang ay ma-inspire, ma-educate sila and kahit nayabangan sila, sige siguro okay lang po kasi ang mahalaga napakilos ko sila to make their life better," giit pa niya.
Gayunpaman, mas pinapahalagahan na lamang niya ang natatanggap na mensahe sa mga kapwa niya kabataan
"Siguro yung pagsasalita ko nga po. Parang mayabang talaga siya pakinggan. Actually 'yun lang naman po e. I'm really grateful naman po dahil every day I receive 50-60 messages of Kids, Children, Youth na nabago ko raw po ang buhay nila. Na-inspire ko raw po sila na mag-negosyo na ngayon po may nagse-send pa ng screenshot na kumikita na sila ng Php 5,000... 15,000. Pina-promise nila sa sarili nila na one day, magiging katulad mo rin ako"
Narito ang kabuuan ng talakayan nina Josh at Ogie mula sa Ogie Diaz Inspires YouTube:
Si Josh Mojica ay owner ng Kangkong Chips Original. Matatandaang nag-viral ang tagumpay ng kanyang negosyo gayung sinimulan niya ito, dalawang taon na ang nakararaan. Sa edad na 17, napalago at naipakilala na niya ng husto ang kanyang negosyo.
Matatandaang nakapanayam din ni Ogie si Josh noong halos nagsisimula pa lamang ito sa kanyang KCO business. Naikwento niya isa sa mga unang tumangkilik ng kanyang produkto ay si Senator Ping Lacson.
Sa naunang panayam din nagawa pang i-prank ni Ogie D si Josh at sinabing maalat ang kanyang Kangkong chips. Makikita ang pagkagulat ni Josh maging ng kanyang supervisor na kasama rin sa eksena ni Ogie. Tila nahimasmasan naman si Josh nang purihin na ni Ogie ang kanyang produkto at sabihing prank lamang ang naunang komento.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh