Mag-asawa, nasawi rin habang ibinabiyahe ang bangkay ng kanilang sanggol

Mag-asawa, nasawi rin habang ibinabiyahe ang bangkay ng kanilang sanggol

- Nasawi ang mag-asawa sa Zamboanga del Norte habang ibinabyahe ang bangkay ng kanilang sanggol

- Pauwi na sana ang mag-anak nang maganap ang aksidente

- Mayroon pang kasama ang mag-asawa na nakasunod sa kanila sakay ng motorsiklo

- Nagawa pang dalhin ang mga biktima sa ospital subalit dead on arrival na ang mga ito

Patay ang mag-asawa sa Zamboanga del Norte habang ibinabyahe ang bangkay ng kanilang sanggol.

Mag-asawa, nasawi habang ibinabyahe ang bangkay ng kanilang sanggol
Mag-asawa, nasawi habang ibinabyahe ang bangkay ng kanilang sanggol (GMA Regional TV)
Source: Youtube

Sa ulat ng GMA News, State of the Nation, sinasabing sumalpok ang sinasakyang motorsiklo ng dalawa sa pick-up truck habang binabaybay ang Leon B. Postigo pauwi sa kanilang lugar sa Sindangan.

Ayon sa pulisya, may dalawa pa umanong kasama ang mag-asawa na lulan din ng motorsiklo at naka-convoy sa kanila.

Sinasabing nawalan ng kontrol ang mister nang magkasagian sila ng kasunod na motorsiklo. Napunta ang sinasakyan ng mag-asawa sa kabilang lane dahilan para sumalubong at sumalpok ito sa pick-up.

Read also

Team Malakas ni Rosmar, sinurpresa ang inang may 15 na mga anak sa Tondo

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nakita namang yakap ng ina ang ibinabyahe nilang isang buwang gulang na sanggol na wala na talagang buhay. Nasawi naman ito matapos mabilaukan.

Ligtas naman sa naturang aksidente ang dalawang kasama ng mag-asawa.

Samantala, hindi na magsasampa pa ng kaso ang pamilya ngunit humingi na lamang ito tulong sa pagpapalibing sa mag-anak.

Kamakailan, nagpaluha rin sa publiko ang panayam ni Toni Gonzaga kay Joel Regal. Matatandaang si Joel ay namatayan ng misis matapos nitong isilang ang kanilang triplets.

Sa naturang panayam, emosyonal na naibahagi ni Joel kung paano niya kinaya ang pag-aalaga sa triplets na ngayo'y tatlong taong gulang na. Binalikan din niya ang pagkakataong nasawi ang misis na nagawa pa niya umanong makausap sa huling sandali. Nasabi niyang lumaban para sa kanilang mga anak. Sa kasamaang palad, hindi na rin umano ito kinaya pa ng kanyang asawa.

Read also

Fast food employee, viral sa kakaibang tulong sa matandang humingi lang ng tubig

Samantala, sa isang post ni Joel noong Father's day, ibinuhos niya ang pasasalamat sa mga taong tumutulong sa kanya sa pagpapalaki ng mga anak. Sa kanilang mga kaanak at maging sa mga taong bagama't hindi nila kilala, nagpapabot ng tulong anumang paraang kaya nila dala ng pagmamalasakit sa kanya at sa kanyang tatlong mga pinakamamahal na prinsesa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Hot: