Vlogger, pinaniniwalaang pumanaw matapos gawin ang pinakahuling mukbang

Vlogger, pinaniniwalaang pumanaw matapos gawin ang pinakahuling mukbang

- Pumanaw ang isang vlogger matapos ang mala-putok batok nitong content

- Pinaniniwalaang ang huli niyang kinain sa mukbang video ang naging sanhi ng kanyang pagkamatay

- Kilala ang vlogger na ito mula Iligan City na pawang ang mga content ay mukbang ng ma-cholesterol na pagkain

- Sinasabing ang pamumuo ng dugo sa kanyang utak ang naging sanhi ng pagpanaw

Sumakabilang buhay na ang vlogger mula sa Iligan City na si Dongz Apatan matapos gawin ang pinakahuli niyang vlog noong Hunyo 14.

Vlogger, pinaniniwalaang pumanaw matapos gawin ang pinakahuling mukbang
Vlogger, pinaniniwalaang pumanaw matapos gawin ang pinakahuling mukbang (Brigada News)
Source: Youtube

Ito ay ang pag-mukbang niya ng isang buong pinalambot na ulo ng baka na kanyang kinain na may kanin at sawsawang suka.

Ayon umano sa kapatid nito, umalis ng kanilang bahay si Dongz matapos gumawa ng naturang content. Hanggang sa isang tawag ang kanilang natanggap na sinasabing inatake na umano si Dongz.

Nadala pa ito sa ospital subalit wala na itong malay. Kalaunan, pumanaw na rin ito.

Read also

Karla Estrada, inalmahan ang 'house for sale' post na kasama ang kanilang fam photo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sinasabing may namuong dugo sa utak ng vlogger kaya't inilipat pa ito sa ibang ospital. Gayunpaman, bumigay na rin ang kanyang pangangatawan.

May mga anak na naulila si Dongz sa kanyang pagpanaw.

Narito ang kabuuan ng ulat mula sa Brigada News YouTube:

Kamakailan, isang content creator din ang nag-viral dahil sa pagprito niya ng ilang ulam gamit ang init ng araw. Sa video ng vlogger na si Miss Popcorn ng Negros Occidental, makikitang 20 minuto niyang ibinilad sa araw ang kawali na kanyang ginamit sa pagpiprito ng hotdog at isda.

Samantala, naging usap-usapan online ang umano'y kinahinatnan ng mukha ng content creator na si Benjamin Madiza. Ito ay matapos na mapanood ng marami ang kanyang video na nagpapakita ng namula at umano'y nangulubot na mukha na siyang epekto ng paggamit niya ng facial mask na nabili online.

Read also

Rosmar, naglabas ng ebidensya na nagbabayad sila sa kinainang resto

Ilang mga content creators din ang naging usap-usapan kamakailan. Isa na rito si Rosmar Tan Pamulaklakin nang mamahagi siya ng biyaya kay Diwata. Sinasabing umabot 'di umano sa tumataginting na Php 5 million ang kabuuang halaga na kanyang naibigay dito.

Maging ang Team Payaman, sa pangunguna ni Cong TV ay gumawa rin ng ingay online. Ito ay matapos nilang makatunggali ang team ni Donny Pangilinan sa ABS-CBN All Star Games.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica