Lalaking nanalo ng 50K sa tattoo challenge ni Rosmar Tan, pumanaw!
- Isang lalaki ang nanalo ng 50K sa tattoo challenge ni Rosmar Tan subalit pumanaw ito ngayong araw
- Ayon kay Rosmar, sinabi pa ng lalaki na magpapapirma siya ng tattoo kay Rosmar
- Natanggap ng lalaki ang 50K na premyo bago ang trahedya ayon na rin sa post ni Rosmar
- Magbibigay din si Rosmar ng karagdagang tulong para sa pamilyang naiwan ng lalaki
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Isang trahedya ang nangyari sa isang lalaki matapos siyang maaksidente sa kanyang motorsiklo sa Kahabaan ng Gugo sa Brgy. Malainen Bago, Naic, Cavite ngayong araw.
Nakilala ang lalaki matapos na manalo sa isang tattoo challenge ng kilalang content creator na si Rosmar isang araw bago ang aksidente. Ang perang napanalunan niya sa kumpetisyon, ayon sa mga ulat, ay ginamit sa burol.
Batay sa post ni Rosmar, ibinahagi niya ang kalungkutan sa hindi pagkakaroon ng pagkakataon na mapirmahan ang tattoo ng lalaki bago siya pumanaw. Sinabi rin ni Rosmar na natanggap ng lalaki ang premyo bago ito nawala.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ayon sa kanya, magbibigay siya ng karagdagang tulong para sa pamilyang naiwan ng lalaki.
Nakiramay ang maraming netizens sa trahedyang nangyari at nagpahayag ng kanilang pakikiramay sa pamilya ng nasawi.
Si Rosmar Tan o Rosemarie Tan ay nakilala sa social media dahil sa kanyang pamamahagi ng tulong sa mga netizens lalo na ngayong panahon ng pandemya. Unti-unting lumaki ang bilang ng mga taong naka-follow sa kanyang social media accounts.
Matatandaang naging emosyonal ang vlogger na si Rosemar kaugnay sa video kung saan pinagtatawanan umano ang dati niyang itsura. Inalmahan niya ang umano'y pangbu-bully sa kanya ng ilang sikat na influencer sa TikTok. Mayroon din umanong screenshot ng conversation ng mga ito ng kanilang pangbu-bully kay Rosmar. Tila naman humingi na ito ng saklolo sa tinaguriang sumbungan ng bayan, ang "Raffy Tulfo in Action" na kanyang binanggit sa kanyang post.
Sinabi ni Rosmar na hindi talaga siya nagparetoke dahil natatakot umano siya. Nagpaturok lang umano siya para masubukan yung enhancement para magkaroon siya ng ilong na kagaya sa mga artista. Sa naturang video ay ginalaw pa niya ang kanyang ilong bilang patunay na hindi umano siya nagparetoke. Dagdag pa niya, alam umano niya na isang taon lang ang bisa ng kanyang pagpapaturok at bumalik na sa dati ang kanyang ilong.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh