Viral Amlan couple, bongga ang Take 2 ng kanilang kasal

Viral Amlan couple, bongga ang Take 2 ng kanilang kasal

- Naging matagumpay ang pangalawang kasal ng viral Amlan couple matapos ang kontrobersyal na unang pag-iisang dibdib

- Natagumpay ang pagdiriwang ng kanilang Take 2 kasal sa tulong ng mga sponsors at suporta ng komunidad

- Sa video ni Janine Suelto-Sagario na nag-viral sa social media naantig ang mga netizens at maging ang mga wedding suppliers

- Kaya naman, marami ang naghayag ng kanilang kagustuhang mabigyan ng mas maayos at mas magandang kasal ang mag-asawa

Mula sa viral na kasal sa bayan ng Amlan, naging bongga at matagumpay ang pangalawang pagdiriwang ng pag-iisang dibdib nina Janine at Jove Deo ngayong Hunyo 17, 2024.

Viral Amlan couple, bongga ang Take 2 ng kanilang kasal
Viral Amlan couple, bongga ang Take 2 ng kanilang kasal
Source: Facebook

Ang "Take 2" na pagdiriwang ng kanilang "kasal" ay naging posible sa tulong ng iba't ibang wedding planners mula sa Dumaguete City at Negros Oriental.

Matatandaang naging usap-usapan sa social media ang mga video ni bride Janine Suelto-Sagario na may mga hindi inaasahang pangyayari sa kanilang unang kasal. Ngunit ngayon, sa pangalawang pagkakataon, mas naging maayos ang lahat para sa kanila.

Read also

Team Malakas, naglabas ng video para mag-public apology

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Bukod sa mas maayos na venue, maganda din ang mga damit nila at ng kanyang entourage. Maging ang kanilang reception ay bongga din.

Ang bagong yugto sa buhay ng dalawang ito ay patunay na maaaring magkaroon ng pangalawang pagkakataon sa pag-ibig at pagkakasundo, at patuloy silang kinikilala at sinusuportahan ng kanilang komunidad sa Amlan.

Matatandaang ang ninang na nagbigay ng impormasyon sa bride tungkol sa pagbabago sa schedule ay humingi na ng paumanhin sa mag-asawa. Sinabi ni Sharlene Sunico na siya ay tapat na lingkod ng Simbahan at naniwala sa haka-haka ng kanyang kasamahan. Inaayos na ng mag-asawa ang kanilang "take 2" na kasal na suportado ng mga wedding suppliers sa lugar.

Sa kanilang unang kasal sa Amlan, Negros Oriental, ay sinimulan ng pari ang misa kahit hindi pa nakararating sa altar ang bride, ang nagdulot ng kontrobersiya. Ayon kay Janice Seit Suelto-Sagario, ang bride, nagsimula ang pari sa seremonya dahil sa pagka-late ng entourage. Ang kasal dapat sana ay alas otso ng umaga, ngunit may nagsabi na na-move ang oras ng seremonya ngunit hindi ito naiparating sa kanila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel