Rosmar Tan at Rendon Labador, posibleng madeklarang persona non-grata sa Coron, Palawan
- Nagpanukala si Juan Patricio Eyes, isang miyembro ng Sangguniang Bayan ng munisipalidad ng resolusyon na ideklara sina Rosmar Tan at Rendon Labador bilang persona non grata sa Coron, Palawan
- Layunin nito ang ipahiwatig na hindi sila welcome sa munisipalidad at aabangan ang pinal na desisyon pagkatapos ng sesyon sa Hunyo 24
- Pinag-utos naman ni Mayor Marjo Reyes ang imbestigasyon sa insidente
- Ipinahayag niya ang kanyang pagkadismaya lalo at wala siya sa opisina nang mangyari ang tensyon
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Isa sa mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng munisipalidad, si Juan Patricio Eyes, ay nag-post sa Facebook ng isang panukalang resolusyon na ihahain sa kanilang susunod na regular na sesyon na naglalayong ideklara sina Rosmar Tan at Rendon Labador na persona non grata sa munisipalidad ng Coron.
Ang pagdedeklara ng isang tao bilang persona non grata ay nangangahulugang hindi sila welcome sa isang partikular na lugar. Ang resolusyon ay hindi legally binding at hindi aktwal na nagbabawal sa isang tao na pumasok sa lugar kung saan sila idineklarang persona non grata.
Ayon kay Eyes, ang pinal na resolusyon ay ilalabas pagkatapos ng regular na sesyon sa Hunyo 24.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ang opisina naman ng mayor, sa pamamagitan ng isang post sa Facebook, ay nagsabing inutusan ni Mayor Marjo Reyes ang pagsasagawa ng isang imbestigasyon kaugnay ng insidente. Ipinahayag niya ang kanyang pagkadismaya sa nangyari, lalo na't wala siya sa opisina nang mangyari ang tensyon.
Sa tugon ni Labador sa utos ng imbestigasyon ni Reyes, sinabi niya sa isang Facebook post: "Maraming salamat po Mayor Marjo Reyes. In behalf of #TeamMalakas, supporta po kami sa Coron, Palawan para mapalakas ang turismo at mga nagsisimulang negosyo. Ang #TeamMalakas ay patuloy na tutulong sa mga nangangailangan. #LabLabLabador."
Si Rosmar Tan o Rosemarie Tan ay nakilala sa social media dahil sa kanyang pamamahagi ng tulong sa mga netizens lalo na ngayong panahon ng pandemya. Unti-unting lumaki ang bilang ng mga taong naka-follow sa kanyang social media accounts.
Matatandaang naging emosyonal ang vlogger na si Rosemar kaugnay sa video kung saan pinagtatawanan umano ang dati niyang itsura. Inalmahan niya ang umano'y pangbu-bully sa kanya ng ilang sikat na influencer sa TikTok. Mayroon din umanong screenshot ng conversation ng mga ito ng kanilang pangbu-bully kay Rosmar. Tila naman humingi na ito ng saklolo sa tinaguriang sumbungan ng bayan, ang "Raffy Tulfo in Action" na kanyang binanggit sa kanyang post.
Sinabi ni Rosmar na hindi talaga siya nagparetoke dahil natatakot umano siya. Nagpaturok lang umano siya para masubukan yung enhancement para magkaroon siya ng ilong na kagaya sa mga artista. Sa naturang video ay ginalaw pa niya ang kanyang ilong bilang patunay na hindi umano siya nagparetoke. Dagdag pa niya, alam umano niya na isang taon lang ang bisa ng kanyang pagpapaturok at bumalik na sa dati ang kanyang ilong.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh