Diwata, binenta kay Boss Toyo ang unang kalderong gamit niya sa paresan

Diwata, binenta kay Boss Toyo ang unang kalderong gamit niya sa paresan

- Binenta ni Diwata ang kanyang kaldero na aniya ay may sentimental value sa kanya

- Ito daw ang kalderong ginamit niya noong nag-umpisa pa lang siya ng pagbebenta ng pares

- Nabili ni Boss Toyo ang kalderong ito ni Diwata sa halagang tatlong libong piso

- Ani Diwata, matagal na niyang gustong ibenta ito pero naging abala lang siya

Ibinenta ni Diwata ang kanyang kauna-unahang kaldero kay Boss Toyo. Ang nasabing kaldero ay may malalim na sentimental na halaga kay Diwata dahil ito ang kanyang naging katuwang noong nagsisimula pa lamang siya sa kanyang negosyo.

Diwata, binenta kay Boss Toyo ang unang kalderong gamit niya sa paresan
Diwata, binenta kay Boss Toyo ang unang kalderong gamit niya sa paresan
Source: Facebook

Ayon kay Diwata, ang kalderong ito ang ginamit niya sa pagluluto ng kanyang unang pagtitinda ng pares. Ito ang nagsilbing saksi sa kanyang mga unang tagumpay at pagsubok sa pagnenegosyo. "Matagal ko na itong gustong ibenta pero naging abala lang ako," ani Diwata.

Read also

Ogie Diaz, willing i-guide si Diwata: "Kahit walang bayad"

Binili ni Boss Toyo ang kaldero sa halagang tatlong libong piso. Ayon kay Boss Toyo, malaking karangalan para sa kanya ang maging bagong tagapag-alaga ng kaldero ni Diwata. Ito ay ilalagay nila sa kanilang ipapatayong museum.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Deo Jarito Balbuena na kilala sa online world bilang si Diwata at ang may-ari ng trending at pinipilahang Diwata Pares. Bukod sa abot kaya ang kanyang paninda ay sulit din ito at nakakabusog ayon sa kanyang mga customer.

Sinagot ni Diwata ang inihayag na opinyon ni Mystica patungkol sa kanya. Sinabi ni Mystica na yumabang na raw si Diwata at tumaas na ang ere matapos nitong sumikat. Para kay Diwata, hindi naman importante sa buhay niya si Mystica kaya hindi na daw dapat niya itong pansinin. Dagdag pa niya, ang pinakamahalaga sa kanya ay ang kanyang negosyo.

Read also

Marvin Agustin sa Diwata Pares Overload: "Kaya pala pinipilahan"

Minabuti ni Rosmar Tan na magsalita upang dipensahan si Diwata sa mga negatibong komento. Kabilang na dito ay ang komentong yumabang na raw ito matapos ilabas ng ilang vloggers ang video na tila hindi sila napagbigyan ni Diwata. Ani Rosmar, pinayuhan niya si Diwata na huwag na lang magpakita muna kung kailangan niyang magpahinga kesa makuhanan siya ng video. Aniya, maging siya ay nakakaranas ng hindi maganda mula sa mga nagpapa-picture pero natutunan daw niyang kontrolin ang kanyang emosyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel