Rendon Labador at Rosmar Tan, dineklarang persona non-grata sa Palawan
- Dineklara ng Provincial Council ng Palawan sina Rosmar Tan at Rendon Labador bilang "persona non grata" matapos ang mainit na pagtatalo sa Coron
- Ang dalawang social media personalities mula sa Team Malakas ay napatawan nito dahil sa "disorderly behavior" at paglabag sa moralidad ng komunidad
- Nagresulta ang insidente mula sa pag-akusa ng isang mayor's staff na si Jho Cayabyab Trinidad sa kanila ng exploitation sa Coron residents para sa kanilang vlog
- Bagamat humingi ng paumanhin sina Tan at Labador, itinuturing silang hindi na muling welcome sa Coron, ayon sa ipinasa ng resolusyon ng Coron Municipal Council
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Pinagtibay ng Provincial Council ng Palawan nitong Hunyo 18 ang isang resolusyon na nagdedeklara kina Rosmar Tan at Rendon Labador bilang "persona non grata" matapos ang mainit na pagtatalo nila sa staff ng isang alkalde sa Coron.
Ipinost ng Palawan Times ang isang video kung saan ipinahayag nina Juan Antonio Alvarez at Winston Arzaga, mga Board Members ng Palawan 1st District, ang kanilang suporta kay Palawan Vice Gov. Leoncio Ola sa pag-apruba ng resolusyon.
Ang pagiging "persona non grata" ay nangangahulugang hindi na muling welcome ang isang tao sa isang lugar, bagaman hindi nangangahulugang ipagbabawal ito o huhulihin.
Nagsimula ang isyu nang akusahan ni Jho Cayabyab Trinidad, isang staff ng alkalde, sa kanyang personal na Facebook account si Tan at Labador, na bahagi ng grupong Team Malakas, ng paggamit sa mga residente ng Coron para sa kanilang vlog na layong magbigay ng mga groceries at itaguyod ang turismo sa isla.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Upang ipahayag ang kanilang pagkadismaya sa post ni Trinidad, binisita nina Tan at Labador ang opisina ng alkalde ng Coron na si Marjo Reyes, na noong panahong iyon ay nasa Puerto Princesa.
Makikita sa viral na video si Labador na sumisigaw at nakikipagtuos kay Trinidad.
Nag-post ng public apology si Trinidad sa kanyang post sa mga personalidad.
Ngunit ibinahagi ni John Patrick Reyes, isang miyembro ng munisipal na konseho ng Coron, sa Facebook ang isang draft ng resolusyon na humihiling na ideklara sina Tan at Labador bilang "persona non grata."
Si Rosmar Tan o Rosemarie Tan ay nakilala sa social media dahil sa kanyang pamamahagi ng tulong sa mga netizens lalo na ngayong panahon ng pandemya. Unti-unting lumaki ang bilang ng mga taong naka-follow sa kanyang social media accounts.
Matatandaang naging emosyonal ang vlogger na si Rosemar kaugnay sa video kung saan pinagtatawanan umano ang dati niyang itsura. Inalmahan niya ang umano'y pangbu-bully sa kanya ng ilang sikat na influencer sa TikTok. Mayroon din umanong screenshot ng conversation ng mga ito ng kanilang pangbu-bully kay Rosmar. Tila naman humingi na ito ng saklolo sa tinaguriang sumbungan ng bayan, ang "Raffy Tulfo in Action" na kanyang binanggit sa kanyang post.
Sinabi ni Rosmar na hindi talaga siya nagparetoke dahil natatakot umano siya. Nagpaturok lang umano siya para masubukan yung enhancement para magkaroon siya ng ilong na kagaya sa mga artista. Sa naturang video ay ginalaw pa niya ang kanyang ilong bilang patunay na hindi umano siya nagparetoke. Dagdag pa niya, alam umano niya na isang taon lang ang bisa ng kanyang pagpapaturok at bumalik na sa dati ang kanyang ilong.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh