Antonette Gail, magpapaturo ng dance cover kay Toni Fowler :"Yung malupit na yung ituro mo sakin"

Antonette Gail, magpapaturo ng dance cover kay Toni Fowler :"Yung malupit na yung ituro mo sakin"

- Nag-post si Antonette Gail sa Facebook patungkol sa aniya'y ilalabas niyang dance cover

- Baka daw lalo umiyak bashers niya kapag naglabas pa siya ng dance cover

- Binanggit niya pa ang kapwa content creator na si Toni Fowler at sinabihang turuan siya ng malupit na dance moves

- Matatandaang umani ng mga komento at reaksiyon ang dance performance ni Antonette sa birthday ng anak niyang si Meteor

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbahagi si Antonette Gail ng kanyang mensahe sa gitna ng natatanggap na pangbabatikos mula sa ilang netizens kaugnay sa kanyang dance performance sa birthday ng anak niyang si Meteor. Aniya baka daw lalo umiyak bashers niya kapag naglabas pa siya ng dance cover.

Antonette Gail, magpapaturo ng dance cover kay Toni Fowler :"Yung malupit na yung ituro mo sakin"
Antonette Gail, magpapaturo ng dance cover kay Toni Fowler :"Yung malupit na yung ituro mo sakin"
Source: Facebook
PAANO BA YAN BAKA PAG GUMAWA AKO NG DANCE COVER UMIYAK KAYO LALO HAHAHAMommy Toni Fowler yung malupit na yung ituro mo sakin

Read also

Maris Racal, sinagot ang sa napansin ng netizens sa picture niya: "Kamay ko yun"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Binanggit niya pa ang kapwa content creator na si Toni Fowler at sinabihang turuan siya ng malupit na dance moves. Kilala si Toni sa kanyang mga dance covers sa TikTok at nag-ge-guest din siya sa ilang TV shows kung saan sumasayaw niya.

Si Toni Fowler ay isang Filipina social media influencer, vlogger, at aktres. Siya ay nakilala sa kanyang mga online content, kabilang ang vlogs, challenges, at iba't ibang uri ng entertainment content na inilalathala sa kanyang mga social media channels. Mula nang magsimula siyang mag-vlog, sumikat siya sa online community. Bukod sa kanyang entertainment content, nagbibigay din siya ng personal na insights tungkol sa kanyang buhay at mga karanasan.

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel