Güro na three times in a week nagda-dialysis, hinangaan sa patuloy na pagtuturo

Güro na three times in a week nagda-dialysis, hinangaan sa patuloy na pagtuturo

- Labis na hinahangaan ang isang güro sa Negros Occidental na patuloy na nagtuturo sa kabila ng karamdaman

- Tatlong beses kada linggo itong nagpapa-dialysis dahil sa sakit

- Gayunpaman, determinado pa rin itong ipagpatuloy ang pagbabahagi ng kanyang kaalaman sa kanyang mga estudyante.

- Sa pitong taon nitong pagtuturo ay ganoon na rin ito katagal nakikipaglaban sa kanyang karamdaman

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Marami ang bumilib sa katatagan at dedikasyon sa pagtuturo ng 32-anyos na teacher na si RJ Ledesma.

Güro na three times in a week nagda-dialysis, hinangaan sa patuloy na pagtuturo
RJ Ledesma (Rj Ledesma)
Source: Facebook

Ito ay dahil sa kabila ng pagkakaroon nito ng chronic kidney disease, patuloy itong pumapasok araw-araw upang magbahagi ng kanyang kaalaman sa mga estudyante niya sa Bago City Elementary School sa Negros Occidental.

Dahil din sa nasabing karamdaman, tatlong beses siyang nagda-dialysis sa loob ng isang linggo.

Read also

Cristy Fermin, nilinaw na wala umano siyang galit kay Vice Ganda

Sa panayam sa kanya ng GMA News, inamin ni RJ na madalas siyang hingalin habang nagtuturo subalit hindi ito naging hadlang na masiguro ang pagkatuto ng kanyang mga mag-aaral sa asignaturang Industrial Arts.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Pitong taon nang güro si RJ at ganoon na rin katagal niyang nilalabanan ang kanyang karamdaman.

Walang ibang hiling ang güro kundi mas humaba pa umano ang kanyang buhay.

Ngayong Oktubre 5, ipinagdiriwang ang World Teacher's Day. Kaugnay nito, binibigyang pugay ang mga güro na tumatayong mga magulang ng kanilang mga mag-aaral.

Samantala, kamakailan ay nag-viral din ang gürong si Teacher Jeric na namahagi ng mga biyaya sa mga honor students ng kanyang klase noong ikatlong markahan. Matatandaang noong first grading period, naghandog ng bagong bag, ilang kilo ng bigas, regalo, jacket, sertipiko at rosaryo sa kanyang masisipag na mag-aaral na nakasama sa honor roll.

Read also

Joel Mondina aka Pambansang Kolokoy, umalma: "Alam mo ba yung salitang 'move on?'"

Subalit sa sumunod na markahan, namahagi rin siya ng biyaya sa mga magulang ng honor students kung saan binigyan niya ang mga ito ng isang sako ng bigas. Sa video na naibahagi ni Teacher Jeric, Mababakas naman ang saya sa mga magulang at napakalaking tulong na umano sa kanilang pamilya ang natanggap na biyaya na produkto ng kasipagan ng kanilang mga anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica